Vivamax number 1 entertainment app sa Google play after six months

Leo Bukas

NI-LAUNCH ng Viva ang Vivamax noong January 29, 2021 upang tuparin ang pangarap ni Boss Vic del Rosario na maghatid ng entertainment sa mga Pilipino dito at sa ibang bansa na maaari nilang ma-enjoy kahit saan, kahit kailan.

Sa gitna ng pagkakaroon ng global streaming platforms, local broadcast at telecommunication giants, hindi natinag si Boss Vic sa pagpursigi ng kanyang pangarap.

Vivamax

At pagkalipas ng 6 na buwan, ipinagmamalaki naming ibalita na ang Vivamax ay nagiging malaking parte na ng Pinoy entertainment habit.

Sa ngayon, mayroon nang 600,000 subscribers ang Vivamax, at sa maiksing panahon na ito ay naging Number 1 entertainment app ito sa Google play at tuluyang nahigitan ang mga long established local at international streaming brands.

Nagsimula sa 500 titles, na may halong Filipino content, Tagalized Hollywood at Asian content (kasama na ang mga malalaking Korean blockbuster films), pinagpapatuloy ng Vivamax ang pangako nito na magdagdag ng 15 bagong titles kada linggo – kombinasyon ito ng originals, premieres, exclusives at all-time favorites.

Sa presyo nitong P149 kada buwan, kasama na ang TV casting sa Smart TV sa pamamagitan ng Chromecast at Apple Airplay, ngayon lang naging abot kaya para sa lahat ang unlimited viewing entertainment.

Simula nang nag-launch ang Vivamax, nakapag-feature na ito ng originally-produced series, movies, documentaries at concerts na pinagbibidahan ng mga pinaka-sikat at pinaka-exciting na mga bituin sa industriya. Sarah Geronimo (Tala), Sharon Cuneta ( Revirginized), Vice Ganda (Gandemic), Kim Molina and Jerald Napoles (Ang Babaeng Walang Pakiramdam, Ikaw at Ako at ang Ending, Pakboys), Xian Lim (Parang Kayo Pero Hindi), Kylie Verzosa (PKPH, The Housemaid), Marco Gumabao (Revirginized), Andrew E., Dennis Padilla, Janno Gibbs (Pakboys), Rosanna Roces, Ara Mina, Maui Taylor, Alma Moreno (Pornstar), Lovi Poe (The Other Wife), Rhen Escano (The Other Wife, Paraluman, Adan), Candy Pangilinan (ABWP), Cindy Miranda (Nerisa, Adan), AJ Raval (Death of A Girlfriend, Nerisa, Pornstar), Sunshine Guimary (Kaka) at Eddie Garcia (Manoy).

But wait, there’s more!

Sa kasalukuyan ay nasa iba’t-ibang stage na ng production ang mga pelikula at series na pagbibidahan nila Anne Curtis, Sarah Geronimo, Aga Muhlach, Bela Padilla, Cristine Reyes, Empoy, Alessandra, Julia Barretto, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Matteo Guidicelli, John Arcilla, JC Santos, Xian Lim, Andrew E., Diego Loyzaga, Barbie Imperial, Carlo Aquino, JM de Guzman, Sue Ramirez, McCoy de Leon, Elise Joson at marami pang iba.

Boss Vincent del Rosario

Hindi napigilan ng pandemya ang Viva sa paggawa at pag-produce ng mga bagong content. Hanggang ngayon, ito pa rin ang pinaka-busy na studio sa bansa, katrabaho ang mga talentado at blockbuster directors gaya nila – Erik Matti, Jason Paul Laxamana, Paul Soriano, Irene Villamor, Mikhail at Jon Red, Yam Laranas, Pedring Lopez, Darryl Yap, RC delos Reyes, Lawrence Fajardo, Joel Lamangan, Roman Perez, GB Sampedro, Al Tantay, Prime Cruz, Dan Villegas at Antoinette Jadaone, Ricky Lee, Paul Basinillo, Paolo Valenciano at marami pang iba.

Isinasagawa na rin ang ilang production at licensing deals kasama ang iba pang top studios gaya ng – Star Cinema, Regal, IdeaFirst, Project 8, Reality, Black Cap Pictures, BlackOps Asia, TBA, Cignal Entertainment, Brillante Mendoza’s Centerstage Productions, The Probe Team at iba pa, para makapaghatid ng sari-saring palabas na papatok sa iba’t-ibang panlasa ng bawat manonood.

Talagang isa nang global brand ang Vivamax, dahil ngayon ay available na ito sa Japan, Singapore, Hong Kong, Malaysia, Middle East at Europe, at sa mga susunod na buwan ay magiging available na rin ito sa Australia, New Zealand at North America.

Mas pinadali din ang access sa Vivamax dahil nakipag-partner ito sa SM Retail (600 outlets), Globe Telecom at Grab Philippines. Bukod pa ito sa maraming available na payment gateways gaya ng Google Play, Apple Appstore, Huawei AppGallery, Vivamax.net, Gcash, Visa/Mastercard, One Globe, Paymaya, Lazada, Shopee, Load Manna, local cable operators at iba pa.

Previous articleNadine Lustre at James Reid, posibleng magsama muli sa isang pelikula
Next articleVLOG WATCH: Angel Locsin and Neil Arce’s House Tour!

No posts to display