EFFECTIVE AS kontrabida si Ms. Vivian Velez sa Mexican teleseryeng Maria Mercedes ni Jessy Mendiola. Nag-swak sa kanyang personality ang character ni Doña Malvina, mother ni Jake Cuenca na kalabang mortal ni Ariel Rivera (brother-in-law). Ang lakas ng presence ni double V tuwing kaeksena niya sina Ariel, Jessy, Jake and Nikki Gil. Keri-keri nito ang role na kanyang pino-portray lalo na ang back-to back scene nila ni Vina.
Parehong magaling sina Ms. Vivian at Vina sa confrontation scene nilang dalawa same with Jessy. Matindi ang eksena, very powerful. Wala kang itulak-kabigin sa husay at galing nila sa pag-arte. Walang regrets ang buong production ni Direk Chito Roño at creative department nang kunin nila si VV. Kahit kailangan pa nilang hintayin ang availability ni VV sa kabilang istasyon bago sila makapagsimulang mag-taping.
Sobrang thankful si Ms. Vivian kay Direk Chito na siyang kumuha sa kanya to play Malvina sa nasabing show. Say ng actress, “I love my character, napaka-challenging ‘yung role. Ang sarap paglaruan ng character ko. Palagi akong galit na nagtataray, tuwing eksena na namin nina Ariel at Jessy. After the take, nagtatawanan kami.”
Naawa nga si Ms. Vivian kay Jessy nang kunan ang dramatic scene sa hospital na kailangang pagtulungan nila ni Nikki na bugbugin at alipustahin ang dalaga. Gusto ni Direk Chito, maging makatotohanan ang eksenang sasabunutan, sasampalin nila ang young actress. Kailangang maramdaman ni Jessy ‘yung pain na ginawa sa kanya ng dalawa. Epek ever, habang nagda-dialogue si Jessy, tumutulo ang luha, “Pagbabayaran ninyo ito, isinusumpa ko.”
“Magaling na artista si Jessy, naibibigay niya ‘yung emotion na gustong makita sa kanya ni Direk Chito. Maging kaming kaeksena niya, nararamdaman namin ‘yung character na ginagampanan niya. In this teleserye, ipakikita ni Jessy, she can be a good actress,” papuring sabi ni Ms. Vivian. Ganu’n?
WATCH KAMI ng new version theater play ng “Katipunan” (Mga Anak Ng Bayan) sa Armed Forced of the Philippines sa direksiyon nina Joel Lamangan at Jun Pablo. It’s a play that retells the story of our brave and great hero, Gat. Andres Bonifacio. The unknown indio who valiantly led and organized the Katipunan, an underground organization that was to ignite the 1896 Revolution.
Through the creative interplay of songs, dance and drama, Katipunan recounts the crucial events in Bonifacio’s life that led to the formation of an immernse yearning to break the chains of political oppressions, of an ardent love for freedom and of a kindled courage to risk life and limb to set in motion the Philippines Revolution.
Katipunan is our way of saluting the bravery and chivalry of our forefather but most of all katipunan is a statement to all Filipinos of the present that deads, ends are not always dead, and they need not be. They can be barriers or bridges to be crossed toward new challenges and beginnings.
Just like our geat hero as portrayed in the play starring Sandino Martin (Andres Bonifacio), Rita de Guzman (Gregoria de Jesus), RJ Jimenez (Emilio Jacinto), we must continue to fight even though our paths are blocked by dead ends after dead ends. We must continue to hope because hope is a powerful force that can yield fruitful beginnings.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield