“I ALMOST got into trouble. Naintindihan naman nila (ABS-CBN). I heard about good things sa TV5. Gusto kong ma-experience.” Ito ang pahayag ni Ms. Vivian Velez na pangunahing villain sa TV5 mini-serye na Misibis Bay na mapapanood na sa July 1, 8pm.
Dagdag pa ni Ms. Body Beautiful, “Gustung-gusto ko ang mga linya ko sa Misibis Bay. Talagang nagustuhan ko.
“Maria Mercedes is different. Si Chito Roño ang direktor. I am happy to work with TV5.”
Pareho kasing pang-gabi ang Maria Mercedes ng ABS-CBN, kung saan siya rin ang pangunahing kontrabida ni Jessy Mendiola at ang Misibis Bay na parehong July ipalalabas.
Nag-enjoy raw nang husto si Ms. Vivian sa Misibis Bay at sa TV5 people, kaya naman puro papuri ang namutawi sa mga labi nito patungkol sa magandang trato sa kanya ng TV5.
Bukod kay Ms. Vivian at Ritz Azul, kasama rin sa casts ng Misibis Bay sina Drama King Christopher de Leon, Luke Jickain, Vin Abrenica, Victor Silayan, Daniel Matsunaga, Lucky Mercado, Andrea Del Rosario, atbp.
IF EVER daw na makagagawa ng composition si Alden Richards para sa kanyang second album ay ang kanta para sa kanyang yumaong ina ang gusto nitong gawin. Mas madali raw kasi niya itong magagawa at matatapos dahil miss na miss at mahal na mahal niya ang kanyang Mommy.
“Right now, wala pa medyo busy kasi. Very hectic ng schedule ko ngayon, pero plano ko talagang gumawa. Siguro ‘pag nagka-oras, makagagawa rin ako.
“Pero if ever na magkakaroon ako ulit, gusto ko may composition na ako, gusto ko 50% original songs, tapos ‘yung iba revivals. Tapos gusto ko ‘yung mga music na gagawin ko, ‘yung for relaxation lang, ‘yung about love. Pero gusto ko talaga ‘yung mga kantang pampa-relax, hindi maingay, ‘yung kapag nadinig mo siya, mare-relax ka.
“Isang gusto ko pa ay makagawa ng kanta para sa mothers, most especially my mom, I really miss my mom. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na para sa mother ko at sa pamilya ko na rin ang ginagawa ko. Mother ko naman kasi ang may gusto na nandidito ako. Gusto ko talaga siyang alayan ng kanta at gusto ko, ako ang gagawa ng kanta para sa kanya.
“Basta makakuha lang ng oras, sisimulan ko nang gawin ang kanta para sa mommy ko at sa lahat ng mommy sa buong Pilipinas at sa buong mundo. Alam ko kasing marami akong mai-input sa kanta at mas mabilis kong matatapos kapag ang song na gagawin ko ay tungkol sa mommy ko,” pagtatapos ni Alden.
VERY HONEST at talaga namang hindi intention ng Japanese Pinay Fashion Icon sa Japan na si Mayo Okawa na magpaka-controversial nang matanong ng mga naimbitahang press kung sinu-sino ang mga kilala nitong local celebrities at walang malisyang sinabi nito na puro ABS-CBN star lang ang halos lahat ng kakilala niya dahil na rin sa TFC.
Tawanan nga ang mga press people nang isa-isang nagbanggit ng mga pangalan ng mga artista mula sa GMA-7 at TV5, pero kokonti lang ang kilala nito kumpara sa ABS-CBN na halos lahat yata ay kilala niya.
Nasa bansa ngayon si Mayo para subukan naman ang mundo ng showbiz at TV Commercial at Print Ads kung saan kilala si Mayo sa Japan. Matatas mag-Tagalog si Mayo na kahit pinanganak sa Japan ay pinalaki ng kanyang Filipina mother na marunong mag-Tagalog.
Kaya naman daw plus factor ito sa Japinay dahil kailangang marunong at matatas kang mag-Tagalog para mahalin ng mga Pilipino. Tsika pa nga nito, na hindi man siya pinanganak at lumaki sa Pilipinas pero ang puso niya ay Pinay. Wish nga nito na mapasama sa mga teleserye sa bans at makapareha sina John Loyd Cruz at Jericho Rosales na ayon dito ay parehong magaling na actors sa Pilipinas.
John’s Point
by John Fontanilla