Nang mag-asawa’t magka-anak (Daniel, 16 years old and Patrick, 14 years old) si Vivian Velez, panandaliang tinalikuran niya ang showbiz. Naging priority ni Ms. Body Beautiful ang kanyang pamilya. Ngayon, nagbabalik-telebisyon ang magaling na aktres sa teleseryeng Imortal nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.
“Kasi nandito si Angel at saka nandito si Chito Roño. Seriously, it just came at the right time at tsaka katatapos ko lang mag-aral ng directing kay Marilou Diaz-Abaya, ‘di ba? So, I was with her for two years, I studied filmmaking. Actually, ini-offer sa akin ni Henry (Creative Director), he’s my classmate. Before they’re always asking me to do teleserye, sabi ko, hindi pa ako puwede kasi nag-aaral pa ako ng directing. Pero noong sinabi nila sa akin na si Angel ang bida sa Imortal, ‘yun. Napanood ko ‘yung Lobo ni Angel at natapos ko, ‘yun lang ang napanood ko sa kanya.”
Comment about John Lloyd? “Super bait, alam mo kung minsan akala mo serious ganoon, naku! Very serious siya sa line niya, may direksiyon. Noong panahon namin, pasaway kami, totoo naman. Pero ngayon, napaka-professional nila, super! Kapag sinabi mong seven o’clock ang call time, seven nandu’n sila. Walang superstar, sina John Lloyd at Angel, wala… minsan nga nauuna kami sa tent, nakapuwesto na kami, sila nga walang maupuan. Nandu’n lang sila, wala lang nandoon lang sila sa tabi. Can you imagine? Noong araw kami, hindi puwede ‘yun. Pero ngayon, my God, I cannot believe it!”
Sa ngayon, seryoso na ngang maging producer si double V. Pangarap ni Vivian na mai-direk si Angel sa gagawin niyang indie film. “Produced and direction. Gusto kong mag-direk, kasi ‘yun ang objective ko. Sa ngayon, sino naman ang magtitiwala sa akin as I said, ‘di ba? I have to prove myself as a director. Hindi ko naman ka-career-in ang pagiging director ko. Parang ngayon lang, tapos alis na ako.”
Para kay VV, mas gusto kaya niya ang takbo ng showbiz, ngayon o noon? “Hindi mo maiku-compare, kasi noon masaya siya, kasi lahat ng artista may individuality. Ngayon kasi, because of the network, sila ngayon ang mga artista, may direksiyon lahat. Kung ano ang sinabi sa ‘yo ng management, ‘yun ang gagawin mo. Parang noong ‘50s sa States, whatever na sabihin nila susunod ka, so may positive at negative, ‘di ba? Pero as individual na artista, mas gusto ko noon kasi mas mayroon kang freedom.”
Do you think you have done good in the past kaya ganito pa rin ang respeto sa inyo ng kapwa ninyo artista at mga director? “Oh, my God! I think so, katulad ninyo…”
Para kay Vivian, si Angel lang ang puwedeng tawaging Ms. Body Beautiful. Nakikita kaya ni Vivian kay Angel ang sarili niya noong kabataan niya? “I live my life to the fullest and I enjoyed it! Si Angel may discipline, takot na takot pa rin kung ano ang sasabihin ng mga tao. Rebelde ako, ina-admit ko naman. Ha-ha-ha! Buti na lang ang mga anak ko mababait.”
Comment ni Vivian kay Angel as an actress? “Magaling talaga si Angel, minsan nga sa set namin nagugulat ako sa kanya. Magaling siyang umarte, very raw at ang beauty niya gusto ko. Fan talaga ako ni Angel, siya lang wala na akong maisip pang iba. Mabigyan sana siya ng pelikula… ako na ang magpro-produce kung ibibigay ng Star Cinema, ‘di ba?
Conscious pa rin kaya si Ms. Body Beautiful sa kanyang figure? “I let go once in a while and then kung kailangan na hindi, hindi. I’m not so conscious pero before, yes, because sa career kasi ‘yun ang binabayaran ng mga producer. Itlog lang at kamatis ang kinakain ko because nga may career ka. Ang importante ‘yung healthy ka, ‘di ba?”
Reaction ni Vivian sa remake ng kanyang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang na pinagbidahan ni Marian Rivera. “Hindi bagay (Marian), that’s me!”
Nasabi pa ni VV, kung sakaling i-remake niya ang Paradise Inn, gaganap siyang bilang Nanay ni Angel. “Mother and daughter, ako na ‘yung si Lolita Rodriguez, si Angel na si Vivian Velez.”
Artista pa lang si Vivian noon, kinakitaan mo na siya ng interes sa production side. “Maski naman noong nagpi-pelikula, nag-aartista ako, pakialamera na ako.Tinitingnan ko, bakit ganu’n, bakit ganu’n ang anggulo? ‘Di ba dapat dito ang blocking at tsaka ganu’n. Pati ang ilaw, pati post production lahat ‘yun pinakikialaman ko.That means mayroon talaga akong interest, so after a while na hindi na ako active, teka muna gusto ko talagang mag-direk. Iba ‘yung director parang couture, ikaw ‘yung nagpapakilos, ibang level ‘yung pagiging director.”
Anong reaction ni Vivian sa mga babaeng nagpaparetoke? “Well, if they’re happy with that, I don’t have anything against it, happy sila. But I still call it cheating, ‘di ba?”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield