#KRISMADEMEDOIT! ‘Yan ang bagong pa-hashtag and fitness goals ng Kapuso actress / businesswoman / fitness enthusiast na si Kris Bernal. Isa ang dalaga sa mga aktres sa bakod ng Siyete na talaga namang napakaseksi na kung ikaw ay babae, mapapa-sana all ka na lang sa kanyang body. Kung barako ka naman, mapapa-wish ka na lang na sana’y siya ang girlfriend mo (sorry boys, she’s taken and engaged to be married na!).
Dahil madalas na nirerequest ng mga fans niya kung ano nga ba ang fitness routine niya, napagdesisyunan ni Kris na gumawa ng series sa kanyang active YouTube channel called ‘Kris Made Me Do It’. She aims to inspire her followers to keep pushing and working on their fitness goals. This is very much needed nowadays lalo pa’t napaparami tayo ng kain at puro tayo upo habang naka-quarantine sa bahay! Kung minsan, tinatamad tayo mag-effort dahil wala tayong kasama. Through this vlog series, sasamahan tayo mismo ni Kris sa ating inaasam-asam na sexy and healthy body!
Isang 30-Minute Full Body Workout High-Intensity Interval Training o HIIT kaagad ang unang pambungad ni Kris para sa atin. Sinubukan namin ito at grabe, pawis galore! Talagang nakaka-challenge, pero highly recommended for newbies. Nawa’y hindi na kami tamarin at masabayan namin si Ate Kris! Ano na, exercise na with Kris B!