XIAN LIM is one of the busiest actors sa Pilipinas bago pa na-implement ng unang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa bansa. Noong February ay ipinalabas ang kanyang pelikulang ‘UnTrue’ with Cristine Reyes sa mga sinehan at nagbalik-telebisyon ito with real-life girlfriend Kim Chiu sa afternoon family drama series ng ABS-CBN na ‘Love Thy Woman’.
Nakatakda na rin dapat ang promotion ni Xian para sa bagong romance-comedy movie nila nina Alex Gonzaga at Kylie Verzosa na ‘Love the Way U Lie’ na kasama dapat sa 1st Metro Manila Summer Film Festival. Dapat din ay uumpisahan na nito ang bagong pelikula niya with Ryza Cenon under Viva Films.
Ang dapat na busy schedule ni Xian ay postponed dahil sa ECQ. In his quiet time while on quarantine ay may tatlong realizations si Xian: Do not procrastinate, be patient and do not take things for granted. Panoorin ang moving and inspring quarantine vlog ni Xian lalo na kung ikaw ay feeling ‘stuck’ at nangangailangan ng motivation. It’s never too late to move!
Ipapalabas na sa Netflix ang Untrue ngayong buwan ng Hunyo! Abangan!