SA MUNDO ng showbiz, mahirap makahanap ng tunay na kaibigan. Yes, marami kang kakilala lalo na ang mga katrabaho mo sa TV at movie projects. How to weed out the ‘real’ and ‘reel’ friends can be a challenge.
Ibahin inyo ang friendship sa pagitan nina Angelica Panganiban at Glaiza de Castro!
Unang nagkakilala sina Angelica at Glaiza nang gawin nila ang teen-oriented show na ‘Berks’. Lumipat si Glaiza sa GMA-7 at si Angelica ay nanatili sa bakuran ng ABS-CBN. Kahit na hindi sila madalas na magkatrabaho, hindi naman nawala ang friendship at communication ng dalawa.
Almost two years ago ay nagpunta pa nga ang dalawa sa Bhutan to celebrate their showbiz break and their friendship. Sa bagong vlog channel ni Glaiza ay inupload nito ang isang clip mula sa kanilang Bhutan trip na halos wala nang edit-edit. Simple lang ang nilalaman ng video: the scenery while they’re on the road, singing Glaiza’s song that Angelica helped write, bonding with the driver and tour guide at pag-stopover sa gilid ng kalsada para mag-gitara!
S’yempre, aliw na aliw ang fans ng dalawa sa rare genuine friendship na natagpuan nila sa isa’t isa. It made us remember our own friends too! Nakakamiss magtravel at masarap mag-reminisce ng happy trip moments with the people you love. Sana ay maglabas pa si Glaiza ng maraming footages from their Bhutan Trip. Or better yet, why not convince Angelica to make her own YouTube channel too? Collaborate at sure na magiging riot ‘yan!