MISS NIYO NA ba mapanood sa GMA Primetime ang family drama na ‘Love of My Life’ nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, Tom Rodriguez at Coney Reyes na naantala this week dahil sa community quarantine? Kami rin!
Habang hinihintay pa natin kung kailan babalik sa normal ang ating araw-araw teleserye habit ay nag-upload naman si Carla Abellana ng isang interesting ‘behind the scenes’ o BTS video ng kanyang taping day sa ‘Love of My Life’ set. Dito ay malalaman natin kung bakit tinanggap ni Carla ang papel bilang Adelle at kung ano ang kanyang naramdaman ngayon na namaalam na ang karakter ng real-life boyfie na si Tom Rodriguez bilang Stefano sa programa. Panoorin!
Love o
Meanwhile, hindi naman completely mawawala sina Carla at Tom sa ating primetime viewing habit dahil simula noong Lunes ay ibinalik muna ng GMA-7 ang ‘My Husband’s Lover’ much to the delight of the show’s original supporters! Remember, sa programa unang nagkakilala sina Carla at Tom, huh!