RHIAN RAMOS is one of the sexiest Pinay celebrities today kaya naman napakaraming netizens ang curious sa kanyang fitness routine. Paano nga ba name-maintain ng Fil-British actress ang kanyang figure na napakasexy kahit pa siya’y turning 30 years old na?
Ang dedication ni Rhian sa kanyang workout routine kahit pa siya ay naka-quarantine ay nakakabilib. Sa kanyang newest vlog ay ipinakita ng Kapuso star ang kanyang Full Body Workout na puwedeng-puwede natin gawin at gayahin! Ang tanong – kakayanin ba natin? Well… kung ready ka sa 16 Movements (30s each, 5s rest in between) 2 sets or more (30s rest in between) na ang estimate ay tatagal ng 25 minutes, yakang-yaka mo ito!
This is a Full Body Workout kaya asahan mo na kung hindi sanay ang katawan mo ay malamang na sasakit ang iyong body after your first few attempts. Sabi nga nila, no pain, no gain!
Tara na’t sabayan natin si Rhian Ramos sa kanyang Full Body Workout! Bago nagkaroon ng Enhanced Community Lockdown ay regular na napapanood si Rhian Ramos sa family drama series ng GMA-7 na ‘Love of my Life’ with Carla Abellana and Mikael Daez. Muli naman pinapalabas sa afternoon slot ng network ang Philippine adaptation ng ‘Stairway to Heaven’ na pinagbidahan nila noon ni Dingdong Dantes with TJ Trinidad and future ka-loveteam Rhian Ramos.