ISA KA BA sa mga ‘nilamon ng sistema’? Ibig sabihin, isa ka ba sa mga nahumaling sa K-Pop o KDramas habang naka-lockdown sa bahay ng mahigit kalahating taon na rin? Kung oo ang iyong sagot, malamang ay napanood mo na (o pinapanood mo ngayon) ang Netflix Originals na ‘It’s Okay To Not Be Okay‘ na pinagbibidahan nina Kim Soo-Hyun, Seo Ye-Ji at Oh Jung-Se. Maliban sa magandang istorya at suwabeng pagganap ng mga artista, kinabibiliban din ng mga viewers ang malupit na OST nito.
Ang ‘In Silence‘ ang isa sa mga kantang madalas na pinapatugtog sa IOTNBO. Nagustuhan ito ng talented Kapuso actress na si Glaiza de Castro kaya naman sinubukan niyang gumawa ng sariling cover ng kanta na orihinal na inawit ni Janet Suhh. Ito rin ang umawit ng ilan pang kanta sa soundtrack tulad ng ‘I’m Your Psycho’ at ‘Lighting Up Your World’.
Pakinggan ang maaliwalas na version ni Glaiza de Castro! Sa mga hindi nakakaalam, maliban sa pagiging competent na drama actress ay magaling na singer/songwriter din ito. Pakinggan ang ilang kanta niya tulad ng ‘Sa’yo Pa Rin’, ‘Dusk ‘Till Dawn’, Barcelona’ at marami pang iba.