STRESSED KA NA ba at inaatake ng anxiety dahil sa Enhanced Community Lockdown (ECQ)? Marami sa atin ang hindi sanay na nakapirmi lang sa bahay, pero wala tayong choice kundi ang manatili sa bahay para hindi tayo mahawa at makahawa. Sa dami ng tinatamaan ng Covid-19 virus ay mas mabuti pang makatulong tayo sa pamamagitan ng paglabas lamang ng bahay kung kinakailangan.
Aminado ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola na nakaranas siya noon ng depression at from time to time ay tinatamaan pa rin ito ng kalungkutan. In her newest vlog ay shinare nito ang ilang practical, tried and tested tips on how to deal with anxiety during lockdown. Bilang artista na sanay na laging may ginagawa sa labas ng bahay, nahirapan din si Jessy na mag-adjust.
Calming ang panonood at pakikinig sa video na ito. Ilan sa mga tips na ibinahagi ni Jessy has something to do with essential oils, calming scents, hot teas, wearing make-up indoors as mood booster, working out, playing chill music, watching YouTube videos, KDramas and KMovies (huli niyang napanood ay ang Crash Landing on You) at marami pang iba! Noon ay na-feature na rin namin ang Jessy Mendiola Home Fitness Workout na swak na swak i-apply ngayon habang tayo ay nasa loob lang ng bahay.
Huling napanood si Jessy Mendiola sa katatapos lang na ‘Sandugo’. Can’t get enough of Senorita Jessy? Mapapanood na ang kanyang mga pelikulang ‘Stranded’, ‘Tol’ at ‘The Girl in the Orange Dress’ sa iWant.