TIME TO Spice Up your Quarantine Eats! Nasubukan niyo na ba ang KFC Japanese Rice? Teka, alam niyo ba kung ano ‘yun?
Our newest Starstruck momma Jade Lopez is back in the vlogging world with her new Quarantine Eats experiment inspired by a Japanese vlog na napanood nila ng asawang si Rocky, ito ay isang food hack na pwede ninyong gawin kung hindi ninyo naubos ang chicken bucket na in-order ninyo sa KFC. How do you make it more appetizing and interesting?
Watch the video above. Napakadali lang gawin ang KFC Japanese Rice a la Jade Lopez!
Halos three months old na ang Baby Girl ni Jade na si Rinoa. Huling napanood ang aktres sa afternoon series na Bihag with Max Collins, na due naman to give birth this coming July. Sa ngayon ay busy muna sa pagiging momshie si Jade. Ngayon na isa na siyang ganap na ina, siguro naman ay mas dadalasan na niya ang pag-upload ng motherhood related vlogs including tips for first-time mothers, food hacks at marami pang iba. Hmmm.. what about her version of the Starstruck dance craze na muling pinapauso ng kapwa Starstruck alumna na si Mark Herras? Tutal, siya naman ang JLo ng Dancefloor ng Starstruck :D