MATAGAL-TAGAL na rin hindi nagpopost ng bagong video blog ang one and only Asia’s Songbird na si Regine Velasquez kaya naman super happy ang kanyang fans and followers dahil finally, nag-upload na si MADAM! Yay!
Miss niyo na ba ang Cooking Diva? Sa kanyang grand YouTube comeback ay isang cooking video ang kanyang ipinamalas in a new segment called ‘Lutong Nanay’. Her first serving? Her own version of Kimchi Fried Rice!
Usong-uso ngayon ang KDrama at KPop kaya naman hindi maiwasan ng mga Pinoy na ma-influence na mag-experiment sa iba’t ibang klase ng Korean Food – mapa-instant man ‘yan o tunay na pagluluto.
Unang nakatikim si Regine ng Kimchi Fried Rice nang mag-order minsan ang kanyang anak na si Leila. Being the natural cooking songbird, nag-experiment na rin ng kanyang sariling recipe si madam.
Gusto niyo ba tikman ang Kimchi Fried Rice ala Songbird? Panoorin na! Sarap, DIVA?!?!?