RITA DANIELA is one of GMA-7’s most versatile homegrown talents. Simula nang manalo siya sa Popstar Kids noong siya’y bagets pa lamang at naging teen actress sa Kapuso network playing supporting or kontrabida roles, marami ang natuwa nang noong 2018 ay napansin na ang potensyal nito bilang leading lady ni Ken Chan sa high-rating afternoon series na ‘My Special Tatay‘. Ang papel niya bilang Aubrey ay kinainisan noong umpisa ngunit minahal ng viewers in the succeeding episodes. Nagawang endearing ni Rita ang isang broken character.
With the sudden attention na biglang na-focus sa kanya ay nadiskubre ng new fans ang kanyang mga kanta na ni-record with GMA Music. Pinuntahan din ang mga musicals and stage plays na nilabasan nito at nagkaroon pa sila ng join concert ni Ken. Patok na patok sa Kapuso viewers ang ‘BoBrey’ o ‘RitKen’.
Elevated na sa bida status si Rita Daniela nang magbida sa primetime advocacy series na ‘One of the Baes‘ bilang si Jowalyn ‘Jowa’ Biglangdapa na isang marine student na determinadong magtagumpay sa buhay. Natapos ang 90 episodes ng programa with high ratings.
Ngayon na wala pang follow-up project si Rita at wala rin naman siyang choice dahil sa Enhanced Community Lockdown ay naisipan na nitong gumawa ng sariling YouTube channel. For a treat ay nagrecord ito ng sariling version ng sikat na kanta ni Sia na ‘Chandelier‘ at isang soulful version ng ‘Fly Me to the Moon‘. Ang sarap pakinggan! Pamparelax in our current stressful lockdown situation.
Pakinggan ang covers ni Rita at sana’y hindi siya tumigil sa pagshi-share ng kanyang talento. Sure kami na matutuwa ang mga fans niya at makakatagpo rin siya ng mas maraming followers through her own channel. Pak!