SI ROXANNE BARCELO ang isa sa mga celebrity vloggers natin na talagang inaabangan namin ang bawat video update. Nakakaaaliw kasi ang pagiging ‘badidap’ nito na nakakatanggal ng stress kahit na kung minsan ay nasosobrahan din ni memsk ang pagiging babaeng bakla. Agree ba kayo?
Bilang nasubaybayan naman natin ang showbiz career ni Roxanne mula sa pagiging teen star hanggang sa maging reality TV contestant to children’s show host to the sexy actress that she is today, knows niyo naman siguro na Roxanne started as a reserved yet talented performer. Oo, madalas ito magpaka-badidap o magpakikay on camera, pero magaling at diretso mag-ingles si Roxanne at kung seryosohan na ang usapan ay marami itong maishi-share na worth hearing. Kumbaga, thanks to her role as the spoiled brat Natalie in Wildflower, nakita ang pagiging comedian nito na puwedeng pangmasa.
Sa kanyang recent video upload ay seryoso ang kanyang topic. Roxanne talks about Finding Your Life Purpose na ang magiging katumbas sa huli ay ‘fulfillment’. Ano nga ba ang ‘The Hedgehog Concept’? What is Passion? What is your Purpose in life? Watch and listen to this insightful video na saktong-sakto lalo na ngayon na karamihan sa atin ay nakakaranas ng stress and anxiety dahil sa epekto ng Covid-19 sa ating personal and professional lives. May this badidap give you the clarity you need!