MISS NIYO NA ba ang talented Kapuso Teen Actress na si Kyline Alcantara? Bago nagkaroon ng Enhanced Community Quarantine o ECQ ay wala pang isang buwan na pinapalabas sa GMA Afternoon Prime ang latest teleserye nito na ‘Bilangin ang Bituin Sa Langit‘ with Nora Aunor and Mylene Dizon.
Kung hindi niyo rin alam, this sweet teen princess also released her music video for her catchy OPM dance track ‘Isa, Dalawa, Tatlo‘ na napakakyut naman niya talaga!
Maraming Sunflowers (tawag sa fans ni Kyline) ang miss na miss na ang dalaga kaya naman malaking ginhawa at tuwa nila nang mag-upload na finally ng kanyang Morning Routine while on Quarantine ang bagets. Dito ay makikita natin siya how she does her prayer, usual morning necessities, cooking fluffy pancakes at kung anu-ano pang pinagkakaabalahan niya habang nasa loob ng bahay.
May mga realization din ito na okay lang mag-‘live in the moment’. Workaholic si Kyline kaya naman hindi ito mapakali kung walang trabaho o anything productive to do.
If you miss Kyline, you can also watch episodes of ‘Kambal, Karibal’ and at the same time ay mag-comment na lang kayo sa comment section ng kanyang vlog dahil malay niyo, baka maenganyo niyo siya, ‘diba? Ready? Isa, dalawa, tatlo!