MATAGAL-TAGAL din nagpahinga ang Multimedia Star na si Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel. Kung ang kanyang younger sisteret na si Alex ay halos may content o collaborations with other artists weekly, si Toni naman ay paminsan-minsan lang naguupload pero quality content naman ang kanyang inihahain sa kanyang fans.
On her newest video upload ay ipinakita sa atin ni Toni ang kanyang Work From Home set-up para sa kanyang online show na ‘I Feel You‘, na napapanood sa ABS-CBN-connected Facebook pages every Sunday night at 9PM.
Paano nga ba nakakapag-taping ng kanyang episodes ang aktres na busy momshie kay Seve at Wifey kay Direk Paul?
Ang kanyang dressing room ang ginawang ‘working space’ muna ni Toni while on quaratine. Kung kayo ay nagwo-work from home din and need some inspiration on how to redesign your workspace, watch na!