NITONG HULYO, nagtrending sa mga social networking sites ang tatlong Pinoy contestants sa X-factor Australia dahil sa pinamalas na galing sa pagkanta. Nabigyan pa nga ng standing ovation ang isa sa kanila. Dahil dito muli na namang pinatunayan ng mga Pinoy sa buong mundo ang galing sa pag-awit. Hindi ba’t dito lang sa UK ay ilang beses narin nakapasok sa malalaking singing contests ang mga kababayan natin? Sa X-factor, itinayo ni Rose Fostanes ang bandila ng Pilipinas nang tanghalin siyang X-factor Israel Grand Champion ngayong taong ito. Napawow rin ni Arixandra Libantino ang mga hurado ng Britain’s Got Talent noong 2013 at muntik na ngang masungkit ang grand title sa The Voice ng 23 anyos na si Joseph Apostol noong isang taon.
Isang nurse ang nanay ni Joseph sa UK, sampung taon lamang siya noong kinuha siya nito at ang kanyang kapatid sa Pilipinas. Pero 6 years old pa lamang daw si Joseph nang madiscover ang kanyang sa potensyal pagkanta. Namana niya daw siguro sa pamilya ng kanyang mommy ang hilig sa pag-awit dahil ang kanya daw tiyuhin ay parang si Martin Nievera kapag kumanta.
Mostly singing competitions lang sa schools ang sinalihan ni Joseph. “I’m not really keen of the idea of competition especially in music because I believe music is freedom, it’s an expression of emotion and if you are part of a competition then you can’t really show who you are as an artist because you have to deal with so much pressure. The only reason why I joined the voice is that I wanted to be heard so I auditioned for it.”
Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Joseph sa pag-aaudition sa The Voice. Dumayo pa sila ng Manchester mula Kent, nagkasakit pa nga siya dahil nabasa siya ng ulan. Napakalakas daw ng buhos noong araw ng kanyang audition. Alam nyo naman ang panahon dito sa UK, unpredictable! Natakot daw siyang mawala ang kanyang boses kaya naman puspusan ang kanyang pagdadasal. Hindi niya ipinaalam sa mga organizers ng The Voice kaya kahit na nilalagnat ay tinuloy parin ni Joseph ang pagaaudition. Dininig naman ng Diyos ang kanyang dasal, dahil hindi lamang isang judge ang humarap sa kanya nang marinig ang kanyang golden voice kung hindi dalawang hurado, sina Jessie J at Sir Tom Jones na talaga namang napahanga sa kanya! Pero Sir Tom Jones ang napili niyang maging coach. “I chose Sir Tom Jones because I wanted to gain wisdom on how he maintained his longevity in the music industry. He definitely gave me advices from his experiences from the past, which I apply to my musical journey.” Hindi naman daw nagkamali si Joseph sa pagpili sa music legend dahil talaga naman daw tinutukan siya nito at maraming naituro. “There were a lot of amazing advices, the best one he gave me is to be patient as this will serve greatly for the career that I want to pursue, he mentioned to me success won’t come by just one click, you have to work hard and love what you do but make sure enjoy every minute of it. He added, this opportunity (The Voice) is a stepping stone for me and it’s up to me to make it happen.” Hindi daw makakalimutan ni Joseph ang sinabi sa kanya ng legendary singer na katulad niya sina Adelle at Amy Winehouse sa kanyang orihinal na boses. Tumindig daw ang mga balahibo ni Joseph nang marinig ito at bukod sa batikan ang mga nasabing singers ay iniidolo nya pa daw ang mga ito.
Tinutukan ng ating mga kababayan lalo na dito sa UK ang The Voice dahil kay Joseph. Pinagbuti ni Joseph ang pageensayo, alagang-alaga daw nito ang kanyang boses. “I do vocal exercises, stretching (Almost like Yoga), I stopped drinking alcohol even in parties, I don’t drink milk, I drink tea a lot, steam, 8 hours sleep (which is hard to get most of the time), I drink real ginger, lemon and honey.”
Ngunit dahil botohan ang paraan ng pagpili sa The Voice, hindi pinalad si Joseph na makamit ang inaasam-asam na panalo. “I think each and every moment that I was there was so memorable, it is once in a lifetime to be on TV competing and it also became a massive learning curve for me” sabi ni Joseph. Nakakalungkot lang at hindi umabot ng Grand Finals si Joseph, hindi sa pagiging biased, mas higit na magaling si Joseph sa mga nakapasok at kahit sa mismong winner. Ganito ang kadalasang nangyayari sa ibang mga kababayan natin na sumali sa ibang International singing contests, kadalasan ay hindi nakukuha ang unang pwesto lalo na kung ang paraan ng pagpili ay botohan. Minsan ay mapapaisip ka kung may diskriminasyon parin sa paraan ng pagpili. Hindi man nagtagumpay si Joseph ay proud na proud parin ang mga Pinoy, kasama na ang kanyang pangalan sa hanay ng mga Pilipino na nagbigay karangalan sa International scene sa larangan ng pag-awit. “I am truly grateful they acknowledged my ethnicity being a Filipino in the show so I’m raising the Filipino flag but I think race shouldn’t be a definition of who you are as an artist.”
Sa kasalukuyan, ay ipinagpapatuloy parin ni Joseph ang kanyang pagkanta. Kabi-kabila ang kanyang mga gigs sa London. Pinagtutuunan niya rin ng pansin ang songwriting, nakapagrecord na siya ng ilang demos at soon ay irerelease na daw ito. “I am basically experiencing what every other singers have experienced and that is working hard. TV shows will not give you a guaranteed music career, people have this perception that once you are on TV everything is handed to you but in reality it’s not. I believe being optimistic, perseverance and loving what you do will get you there. It’s all about the right timing and in this industry you really have to be patient.”
Tunay na hindi matatawaran ang husay ng mga Pinoy hindi lamang sa pag-awit kung hindi sa iba’t-ibang larangan.
By Joy Mesina