Volleyball heartthrob John Vic de Guzman, kakaririn ang pag-arte

Nadala ng volleyball heartthrob na si John Vic de Guzman ang disiplina niya sa sports sa unang pagsabak niya sa pag-arte via “Seklusyon” na entry ng Reality Entertainment sa 2016 MMFF na no. 2 sa top-grossing films ng festival. 

John Vic de Guzman

“Sa volleyball kasi, importante kung paano ka maging optimistic, kung paano mo papagandahin ‘yung mga pangit na nangyayari. ‘Yung pasensiya mo, saka ‘yung tiyaga talaga.

“Hindi dapat mawawala ‘yung tiyaga, eh. ‘Yon talaga ‘yung pinakaimportante. At saka siyempre, ‘yung respeto sa ibang tao. Sa tingin ko, ganu’n din naman dapat ang maging attitude ko palagi kahit pa sa showbiz,” paliwanag ni John Vic.

Handa na rin daw siya sa mga intriga sa showbiz.

“Magiging handa ako. Kasi sa mundo ng volleyball, may mga ganu’n ding intriga, tungkol sa gender, ‘ah ‘yan, parang bakla ‘yan. Pero sa akin, kung papatulan mo sila, wala namang mangyayari, eh. So, better na huwag mo na lang silang patulan, dedma ka na lang sa kanila,” sey pa niya.

Samantala, aminado si John Vic na si John Lloyd Cruz ang iniidolo niyang actor kahit noon pa.

“Every time na napanonood ko siya sa mga pelikula, sobrang galing niya talaga,” sey pa ng matinee idol in the making.

Graduating si John Vic sa College of St. Benilde sa kursong Human Resource Management ngayong taon. At dahil matatapos na sa pag-aaral at sa pagiging varsity player, balak raw muna niyang ipagpatuloy ang pag-arte.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleJohn Lloyd Cruz, ‘di raw kailangan ni Joshua Garcia na sundan ang kanyang yapak
Next articleKathryn Bernardo, imposibleng magpabuntis agad kay Daniel Padilla

No posts to display