NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Concerned citizen lang po ako rito sa Canduman Elementary School sa Mandaue City, Cebu. Reklamo ko lang po ang pagpapabayad ng P375.00 sa bawat estudyante na sinasabi nilang “voluntary contribution” pero inoobliga naman ang mga magulang na magbayad dahil lagi nilang sinisingil ang mga bata.
Sana po ay mabigyang-pansin ang hinaing ng mga magulang ng mga estudyante ng La Hacienda High School sa Alicia, Bohol dahil hindi matigil ang paniningil ng P450.00 para sa PTA at P390.00 para sa school contribution.
Concerned citizen lang po rito sa Odiongan Elementary School sa Romblon. Ang grass cutting at security guard ay mga estudyante po ang nagbabayad. Naniningil sila ng P300.00 sa isang taon para rito.
Isusumbong ko lang po ang taun-taong paniningil ng school donation dito sa Carigara National High School sa Leyte. Sana po ay matulungan ninyo kami. Sinasabi po kasi ng principal na obligasyon daw naming magbigay ng donasyon dahil nagpapaaral kami.
Dito sa Brgy. Pantoc, Meycauayan, Bulacan ay naniningil ang isang teacher ng P100.00 sa mga estudyante para raw pambili ng projector. Noong una ang sabi ay iyong may gusto lang daw ang magbigay, pero ngayon ang sabi ay hindi makapag-e-exam kapag hindi nakapagbayad.
Isang concerned citizen lang po ako rito sa Borongan, Eastern Samar, itatanong ko lang po kung mayroon ba talagang bayad kapag kukuha ka ng voter’s certification sa Comelec. Dito po kasi ay may binabayaran na P100.00.
Irereklamo ko lang po ang San Ramon Elementaary School sa Lagonoy, Camarines Sur dahil humihingi sila ng pampagawa ng bintana, kisame, at kung anu-ano pa. Pinag-usapan daw po iyon sa PTA.
Pakiaksyunan n’yo naman po iyong kindergarten dito sa Hagonoy West Elementary School sa Hagonoy, Bulacan. Nagpapa-project po ng printer sa homeroom na nasa P7,000.00 ang halaga na paghahatian ng mga estudyante ang pambayad.
Gusto ko lang pong ilapit sa inyo iyong abala na idinudulot ng illegal parking sa Sucat Road, Parañaque City dahil halos dalawang lane na ang nasasakop ng parking ng trucking at iba pa pong establishments.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo