HAPPY KAMI for Angel Locsin dahil unti-utni na talagang napansin ang galing niya sa pag-arte. Last Sunday, ginawaran si Angel ng Best Actress awards ng FAMAS na ayon sa kanya, isa ‘yung maagang birthday gift dahil kahapon nga ang kanyang 28th birthday.
Sabi niya sa kanyang speech, “Isa po itong maagang regalo para sa akin dahil sa Martes po, ay birthday ko na. Salamat po talaga sa inyo, sa FAMAS at sa lahat ng mga sumusuporta sa akin.”
Sa usapin ng lovelife, sinabi ni Angel na masaya talaga sila ni Phil Younghusband, pero hindi pa siya handa sa anumang usapin ng kasal. Pero she’s hopeful that Phil is ‘the one’ na sa kanyang buhay.
PABOR NAMAN kami sa gusto ni Wendy Valdez na unti-unti nang tatalikod sa pagpapa-sexy. Matagal na rin naman niyang sinasabing madasalin na siya ngayon at laking pasasalamat niya at three years ago ay lubusan na niyang nakilala ang Panginoon. Born Again Christian na ngayon si Wendy. Pero dahil nga daw sa bread and butter niya ang showbiz, hindi pa rin niya maiwasang tumanggap ng mga sexy roles.
Kuwento niya sa amin sa set ng Raketeros, “Actually, I’ve been attending church since mga magti-three years na almost.
“So ano kasi this past two years, sobrang iba ‘yung seasons ko, iba ‘yung communication namin ni God, it’s really good. And I could share the feeling and I could… and if only I could share to people what I feel, na para malaman nila kung gaano ka-amazing (ang makilala si God), and it’s been so good.”
Dagdag pa niya, wish daw niya na dumating ang araw na mga markadong roles na hindi sexy ang ma-bigay sa kanya. “I’ve been praying about it. So far, there are some projects naman na naibibigay sa akin na dahan-dahan… ‘di na siya naging sexy, which is very good. Also my personality, gradual din lahat na unti unti akong lumihis sa pagpapa-sexy.
“And kasi, this is my bread and butter, ang acting. so I’m hoping for that day and I’m really praying for that day na I would do roles na kahit kontrabida, basta hindi na ako magpapa-sexy pa and that would be very exciting for me.”
SA KANYANG autograph signing para sa FHM Magazine, inamin ni Sunshine Cruz na maysakit siya. Dahil daw siguro sa tuluy-tuloy na taping nila. Pero wala raw siyang karapatang magreklamo kaya go lang daw siya nang go, dahil sa maraming grasyang natatanggap niya ngayon.
Sabi niya, “Do I have the right to complain or mourn? No. “Ang daming blessings na dumarating. May work, kaya nga nagkakasakit na tayo sa katatrabaho. But still, I don’t complain, kahit pa nagkakasakit tayo. Kasi, blessing ‘yang dumara-ting. Nabibigyan tayo ng opportunity para mag-work.
“Ang dami nga diyan, mas magaling pang umarte, mas bata, pero walang trabaho. Ako, binibigyan ng trabaho. So, walang karapatan ako para magreklamo at maging hindi masaya.”
Pero dahil hindi pa rin matapus-tapos ang isyu sa kanila ni Krista Miller na ngayon ay may lalabas ding cover sa isang magazine na panlalaki kung saan bali-balitang ginaya ang kanyang mga pose sa FHM, biglang naiba ang timpla ng sagot niya. Pero hindi siya galit, kundi ayaw lang daw niyang pag-usapan ang mga taong wala namang relevance sa kanya.
Nakangiti pa nga niyang tugon sa amin, “Ay, let’s not talk about that… people that are not involved here. Next question, please.”
Well, tama lang naman sigurong huwag na niyang patulan pa ang parang namamatay ng isyu dahil baka magamit ulit ito ng kabilang kampo para pag-usapan.
Ang natutunan daw ni Shine sa hiwalayan: “Separation is always… not happy. Malungkot ‘yan, eh. Siyempre kasi merong mga bata na naaapektuhan. Merong pamilya na nasisira. Pero, whatever it is, sabi ko nga, good or bad, I can honestly say na it made me a better person. It made me a stronger person.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato