PUMASOK SA 66th Cannes International Film Festival sa France ang OTJ (On The Job) ng Star Cinema at Reality Entertainment na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Gerald Anderson. Nanalong Best Actor si Joel Torre sa katatapos lang na 2013 Puchon International Fantastic (PiFan) Film Festival na kasama rin sa cast.
Inamin nina Piolo, Gerald at Joel na sobra silang napabilib sa unang basa pa lamang ng script. Natapos nga ni Piolo na basahin ang script ngng isang upuan lamang. Na-in love agad siya sa project, naiiba raw ang OTJ sa mga nagawa na niya in the past. Bale paying tribute raw itong movie nila to the action genre.
Ang takbo ng istorya ay sesentro sa NBI agent na si Francis (Piolo), Sgt. Joaquin (Joey Marquez), at sa mga presong sina Daniel (Gerlad) at Tatang (Joel) na pawang naghahanap ng hustisya sa kani-kanilang buhay.
Buong pagmamalaki namang sinabi ni Gerald na mala-Hollywood ang pelikula nila dahil sa tindi ng mga action scene. Naranasan niya, buong araw na shoot para lang sa chase scene sa MRT. Feeling nga raw ng actor nasa Hollywood siya sa sobrang hirap ng mga eksenang kinunan.
Para kina Piolo at Gerald, napaka-espesyal ng movie nila dahil first time silang gumawa ng ganito katinding action film. Iba naman ang pakiramdam ni Joel, who plays a middle-aged hired killer. Maganda, markado at challenging role ang binigay sa kanya ni Direk Erik Matti. “Tatang is a role of a lifetime. The award took me by surprise. I don’t even know what the jurors saw in my performance. All I can say is that I was so relaxed playing the role that I felt as if I wasn’t acting at all,” wika nito.
“At my age, akala ko relegated na lang ako sa tatay na roles, na you get to shoot in five days and that’s it. Pero dito, made me a significant part of the story,” turan pa ni Joel.
It was the first international ward for Joel pero nakalabas na rin siya sa ilang Hollywood films. Memorable sa kanya ang Oro, Plata, Mata, 1981 Peque Gallaga classic film at naka-discover kay Joel. “But OTJ stands out as memorable because it gave me an international award, something I never expected, never imagined that I would ever get,” aniya.
Ibang klase namang Joey Marquez ang magiging papel niya rito.Medyo unorthodox compared sa usual Tsong na ginagawa na niya. “Aksyon na aksyon talaga ako! Parang it’s something that somehow upgraded my little experience sa showbusiness,” aniya.
Ayon kay Direk Matti, umabot pala ng 50 million ang budget ng OTJ dahil kailangan ma-perfect nila ang bawat eksena. Paulit-ulit na kinukunan hanggang ma-satisfy ang award winning director. All support naman ang binigay ng Star Cinema at Dondon Monteverde (Reality Entertainment) mapaganda lang ang pelikula.
Siyempre, kapag Erik Matti film, kailangang may sexy scene. Very erotic daw ang bed scene nina Piolo at Shaina Magdayao na inabot ng two days bago natapos. Tsika ni Direk “Maraming anggulo, paulit-ulit ‘yung scene. Kailangang ma-captured ‘yung reaction nu’ng dalawa while making love.” Critical nga raw ‘yung pagtatalik ng dalawa.
Matindi rin ang daring scene nina Gerald at Dawn Jimenez. First time mapapanood on the big screen na nakikipag-sex ang hunk actor. Bigay todo naman ang emote ng model-actress sa lovemaking nila ni Gerald. Parang nga raw totoong-totoo ang eksena, kuwento ng mga nakapanood ng OTJ. Baka pagselosan ito ni Maja Salvador.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield