HINDI MAN nanalo sa inaasahang kategorya sa nakaraang MMFF 2019 Gabi ng Parangal, happy naman sina Aga Muhlach at Coco Martin sa naging resulta sa takilya ng mga pelikula nila.
Sa panahon na mahirap kumita ng pera para makapanood ng sine, mas gugustuhin ko ang mga pelikulang feel good tulad ng Miracle in Cell No. 7 na very pam-Pasko at pang pamilyang Pinoy na bida si Aga Muhlach.
Same din sa pelikulang 3POL TROBOL HULI KA BALBON dahil alam ko matutuwa si lola, si nanay, si ate at si bunso na fan ni Coco Martin. Hindi natin pwede diktahan ang publiko sa kung anong gusto nila panoorin.
Sa ganang akin, ang sinasabing “matinong pelikula” nila ay may film festival na dapat nila salihan at hindi ang MMFF na dati na at paulit-ulit na isyu na lang na mas gusto ng pamilyang Pilipino ay maging happy sila na nanonood ng pelikulang magpapatawa sa kanila.
Ang sinasabing nila na “matinong pelikula” nila, doon sila sa Cinemalaya, Cinema One Originals, Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP ng FDCP, etc. dahil may captured market sila doon. ‘Yan ang balwarte nila.
Sigurado na ang niche market nila. Wag na magsumiksik at magemote at na pull-out ang pelikula nila sa mga sinehan.
Maawa kayo sa mga theater owners.
Kaya andyan ang mga sinehan (cinemas) ay para magnegosyo. Lugi na nga sila sa daily quota nila at pinagbigyan na kayo, hihirit ka pa ba teh?
Tutal pera ni Mang Domeng ang ipambabayad niya sa panonood ng pelikula nilang maganak o di kaya’y pa-bonus ni Mrs. Reyes sa Nanay mo ang pang-libre sa buong pamilya niya para manood ng pelikula ni Aga, waley na tayo ma-sey sa desisyon nila.
Tao ang may gusto. Sa katunayan, sa mahal nga ang bayad sa panonood ng sine ngayong Kapaskuhan, ayaw ko makakita ng mga artista sa wide screen na sugat-sugatan sa mukha at katawan at mukhang mabaho.
I want positive vibes. My gosh, kadiri huh! Yan ang realidad!