BLIND ITEM: Dahil sagad hanggang buto ang kanilang pagkakaibigan, ipinakiusap ni Aktor A sa kanyang kaanak (by affinity) si Aktor B na kung maaari’y saluhin siya nito bilang kasangga sa pulitika. Initial talks were successful though.
Nagparehistro si Aktor B sa siyudad na nasasakupan ng koneksiyon ni Aktor A, only to find out recently that Aktor B had a change of heart. Sa isang bayan sa lalawigan ng Luzon balitang lilikha na lang ng puwang sa pulitika si Aktor B.
Ayon sa aming nasagap, may “unseen hand” umano na humarang kay Aktor B sa kasado na sana niyang pag-anib sa pinagrekomendahan sa kanya ni Aktor A. Isang mataas, kundi man pinakamataas na pigura sa pulitika ang bumasag sa paki-kipag-tandem sana ni Aktor B sa kontak ng kanyang matalik na kaibigan.
May kunek kasi ang makapangyarihang pigura kay Aktor B, na may anak sa kapatid nito na balitang hindi umano niya (Aktor B) sinusuportahan.
EXACTLY A week ago ay nagsadyang muli sa piskalya sa Pasay City ang respetadong mamamahayag na si Ramon Tulfo upang gawing serious physical injuries mula sa simpleng pinsala lang ang kasong inihain niya laban sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.
Ito’y makaraang matuklasang grabe pala ang kanyang mga tinamong sugat. Bukod ito sa kasong grave coercion, na nadagdagan pa ng grave oral defamation batay sa mga umano’y binitiwang salita ng mag-asawa laban sa kanya.
Ayon sa salaysay ni Mr. Tulfo, nagdayalog umano si Raymart na kaya ayaw raw nitong (Tulfo) ibigay ang cellphone (na ginamit ng peryodista sa pagkuha ng mga larawang binubulyawan ni Claudine ang mga ground attendant) ay para pagkaperahan ito, sabay bitiw ng, “Pera-pera lang naman kayong mga media!”
Two things. Totoong puwedeng pagkaperahan ang anumang balita, the bigger the story, the more it sells with the audience. Indirectly, it translates to monetary rewards. Pero ang mga katagang “pera-pera lang ang mga taga-media” ay unfair, sweeping statement against the working press in general, kabilang na ang hanay naming mga manunulat sa entertainment.
Instead of calling for sobriety, or making plea to the media for fairness and impartiality ay sablay si Raymart sa tinuran niyang ‘yon that clearly spoke of his defiance and insult against all media practicioners.
Mahihirapan si Raymart na i-qualify ang statement niyang ‘yon, kung saan ang sini-single out lang naman niya ay si Mr. Tulfo, at walang kinalaman ang lahat ng mga miyembro ng pangkalahatang propesyon na sumasakop sa print, radio at TV.
Makatuwiran lang ang panawagan ng National Press Club na ibokyot ang mag-asawang Raymart at Claudine, maging ang party-list na ALAM o Alyansa ng mga Mamamahayag ay dapat suportahan sa pagsupil sa ganitong kabalintunaan na yumuyurak sa karapatan ng malayang pamamahayag!
Teka, paano ibabagsak ang mag-asawang ito kung nakadapa na?
MASELAN ANG pinapaksa ng kuwento ngayong Biyernes ng Face To Face na pinamagatang Sister Galit Sa Mga Girlfriend Ni Brother, Dahil Gusto Niya, Siya Ang Maging Lover Ni Brother! Istorya ng incest ang namamagitan sa magkapatid na Leo at Lindi, na nang mahiwalay si Leo sa kanyang kinakasamang si Jessel ay bumaling siya kay Lindi. Kahit pala noong maliliit pa sila, may lihim nang pagtangi si Lindi sa kanyang kuya, na imbes na umusal siya ng, “Huwag, kuya…” ay nagpabuntis pa siya rito.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III