NALUNGKOT NAMAN AKO for Kuya Germs (German Moreno)!
Nakausap ko ito kasi sa telepono noong Sabado. It had something to do kasi sa pagte-text sa akin ng unit owner ng inuupahang condo unit ng Superstar na sinasagot ng TV5 ang bayad. Kasi nga, tapos na ang kontrata roon ni Superstar.
Kaya, kailangan na niya mag-move out. Eh, sumobra na siya ng araw ng pag-i-stay. Kaya, natural lang na bayaran pa rin niya ang remaining days niya sa nasabing unit sa Excelsior Hotel.
At bukod sa mga kinauukulan sa TV5, ipinapadala ko rin kay Kuya Germs ang mensahe ng unit owner ng tinitirhan ng Superstar sa nasabing unit. Malinaw naman kasi ang mga nakasaad sa kontrata nito sa pagtira niya roon. Kumbaga, tapos na ang deadline.
At naikuwento nga sa akin ni Kuya Germs na etsa-puwera na rin pala siya pagdating sa pangangasiwa sa career ng Superstar na siya ang naging takbuhan sa mahabang panahon, lalo na sa mga nagiging problema nito.
Kasabay rin ng pagte-text sa akin ng unit owner ng inookupahang unit ng Superstar, nag-text din sa akin ang unit owner naman ng inookupahan ni John Rendez. Na nasa kabilang end lang ng unit ni Superstar. Hanggang Enero kasi ang kontratang pinirmahan doon ng Superstar na ito ang sumasagot sa pagbabayad. At sinabi naman daw nito na hindi na nga nila itutuloy ang pagrenta hanggang Enero. Kasi nga, lilipat na ng tirahan niya ito.
Ang punto naman ng unit owner ni Rendez, eh i-surrender na sa kanila dapat ang susi ng nasabing unit para magamit na ng iba pang gustong mag-renta. Ang kaso, ginawa raw muna itong tambakan ng mga gamit ng Superstar.
Nagpa-follow up din ito ng payment sa renta ng nasabing unit. At ang sagot nga raw ng Superstar eh, hindi na siya magbabayad dahil aalis na sila. Kaya nga ang tanong ng may-ari eh, bakit hindi pa nila ini-endorso ang susi ng unit kung aalis na pala sila. Siyempre nga naman, forfeited na ang deposit doon dahil hindi naman natapos ang kontrata.
‘Yan lahat ang ini-report ko kay Kuya Germs only to be told na wala na pala siyang kumbaga eh, pakialam sa ikot ng buhay ng Superstar. At nang tanungin ko at kumustahin ang pagbubukas ng account ng Superstar sa Metrobank na siya ang ma-ngangalaga, isinara na rin pala ito.
Naawa lang ako kay Kuya Germs. At pareho naman kaming naniniwala sa katok ng karma.
At sana, maayos na ang mga request ng dalawang condo units na inokupa ng Superstar at ng kanyang best friend!
At sana, hindi rin nababastos ang kanyang ‘Ney (short for Honey) na si Kuya Germs.
BWISIT NA BWISIT si Arnell Ignacio. Kasi nga, tumutulong na ito, kung anu-ano pang paninira ang ginagawa sa kanya ng naging ‘star’ ng isang eskandalo, sa katauhan ng binigyan na nga ng chance ni Arnell sa kanyang programang Patol sa 92.3 FM ng AksyonTV na si Eduard Iremedio Bañez.
Pero dahil hindi naman ito makasabay kay Arnell, pati na sa ipinasok nga ni Eduard kay Arnell na si Keanna Reeves, natural na napag-iwanan ang mukhang wala ring nalalaman sa kanyang pinapasok dahil panay naman na mga shows daw niya sa Net25 ang kanyang ipino-promote sa nasabing istasyon.
Kaya, umabot na si Arnell sa puntong kinausap na ito. Pero dahil nga matigas ang ulo, katakut-takot na sabon na ang inabot nito mula sa host ng nasabing radio show.
Ang pinakagrabe ngang ginawa nitong Eduard eh, nang itsismis at siraan niya si Arnell na nang magtungo raw ito sa isang show sa Cebu eh, hindi naman daw ito nag-show kundi nakipag-sex lang sa isang kasama nito sa pelikulang ginawa niya. Actually, gustong upakan ng nasabing talent si Eduard dahil sa pagka-dalahira nito.
Kaya nga, nabuking namin in the end, na wala palang katotohanan ang pinalabas nitong eskandalo raw sa kanya ng mga executives ng isang network. May nagpa-totoo na siya rin lang ang nagsimula nito para siya pag-usapan. Kaya dapat nga, ito pa ang ireklamo ng nasabing mga executives sa ginawa sa kanila.
Kaya, huwag na magtaka kung bakit hindi siya ibinabalik ni Arnell sa nasabing programa.
The Pillar
by Pilar Mateo