FOR OBVIOUS reasons, Kuya Dan, wala kami sa pambuena manong presscon ng GMA announcing its lineup of shows this 2012.
But more than having been accustomed to this non-invitational practice, isa sa mga tagpo roon ay maihahalintulad sa isang latang naglalaman ng mga uod na nabuksan without the use of a can-opener. Ayon sa mga naiulat, masaya ang entertainment press if only for their first-time experience na “hubaran” si GMA Chairman & CEO Atty. Felipe L. Gozon, disrobing his corporate cloak na jologs sumagot sa mga pinakasensitibong tanong.
Isa na rito ay ang tanong kung nagsisisi ba ang pamunuan ng GMA sa pagkupkop kay Claudine Barretto mula sa dati nitong taha-nan, ang ABS-CBN? FLG, as he’s known internally, nary said a word. Maging ang paborito ng lahat na si WVG (Ma’am Wilma G. Galvante, EVP of Entertainment TV) was speechless.
Nasabi tuloy ng nagtanong na reporter: “That answers my question.”
This much this writer knows about Claudine. Totoong nag-iwan siya ng pilat sa ABS-CBN nang magpasya siyang lumipat sa GMA, after all, she traces her roots to her former station. In our constant talks with people that Claudine had worked with over at ABS-CBN, panay ang kanilang tanong how the actress was getting along with her newfound home.
Walang bahid ng pang-iintriga ‘yon, bagkus ay nagmamalasakit sila sa isang “prodigal talent” whose baptism of fire on GMA was not doing so well.
Idagdag pa ang umano’y attitude problem ni Claudine na inirereklamo na ng kanyang mga katrabaho sa GMA: from “hypochondria” (feeling may sakit pero nag-iinarte lang) to “hysteria” (such was her “bank scene” that validated that indeed there existed a problem with her marriage to Raymart Santiago) …na kulang na lang ay indahin ni Clau-Clau ang hysterectomy!
Evidently, “outcast” si Claudine sa mga upcoming shows ng GMA this 2012. So, saan kayang istasyon pupulutin ang mahusay pa namang aktres in this Year of the Water Dragon… sa water din kaya amidst a fire-spewing mythical dragon para malapnos ang kanyang balat to be replaced with a renewed skin to better her career behavior?
HINDI PA man iniaapak ni Mo Twister ang kanyang mga paa sa NAIA ay kasado na ang inihaing asunto laban sa kanya ng GMA. Tungkol pa rin ito sa umano’y unchivalrous act, ayon na rin sa ace legal expert na si Atty. Felipe L. Gozon, na ipinamalas ni Mo laban sa dating nobyang si Rhian Ramos.
In the words of Atty. Gozon, “Si Mo, idinemanda na namin. There is a case waiting for him if he returns to the Philippines. What he did was very ungentlemanly, to say the least.”
Iiwanan muna namin si Rhian whose career is like a commuter waiting for a passenger train at the terminal nang walang katiyakan kung kailan darating ang sasakyan niya sa riles.
Unlike Rhian, wala nang babalikang hosting job si Mo sa Paparazzi, after all, its main host Cristy Fermin has declared war against him for his misdemeanour bilang laglagerong katrabaho.With his undesirable image, marahil, no interested TV station will dare offer Mo jobs.
Tsk, tsk, tsk… this early, Mo has invited the Water Dragon into his career. With elements like water and fire strangely combined in Chinese astrology, hindi kinaya ng tubig para maapula ni Mo ang mala-dragong apoy dulot ng kanyang sariling katsipan!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III