NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dito sa Sta. Maria, Bulacan dahil wala nang madaanan ang mga tao rito sa sidewalk malapit sa may police station. Nagkalat po kasi ang mga illegal vendor sa bangketa kaya sa kalsada na dumaraan ang mga tao dahil hindi na makaraan sa sidewalk.
- Mayroon po akong ipaparating na concern sa inyo tungkol dito sa Brgy. 179 Amparo Subdivision, Caloocan dahil kulang ang street light iyong mga kalsada. Madalas na po kasing may gulo rito.
- Reklamo ko lang po ang maraming pagala-galang aso rito sa amin sa F. Carlos Street sa Brgy. Baesa, Quezon City. Nagkalat po ang mga aso pati na rin ang mga dumi nila sa kalsada. Kamuntik na rin pong makagat ng asong pagala-gala ang anak ko. Sana po ay makalampag ang kinauukulan at maaksynan ito.
- Baka puwede n’yo po kaming matulungan dito sa Bataan dahil hindi po ipinatutupad ang pagbaba ng pamasahe sa minimum na P7.00 at P1.50 para sa susunod na kilometro. Ayon kasi sa mga driver, wala raw ibinigay sa kanila na fare matrix. Itinawag na po namin ito sa LTFRB Region 3, pero wala pa rin pong aksyon hanggang ngayon.
- Gusto ko lang pong ireklamo iyong videoke sa amin dahil sobrang ingay at lakas. Masakit po sa ulo dahil araw-araw po iyon. Nakakaistorbo pa sa daanan dahil nakaharang ang kakanta. Sana po ay matulungan ninyo kami.
- Nais ko po sanang ilapit sa inyo na malagyan ng humps ang kalsada namin sa F. Nicolas Street, Brgy. Niugan, Malabon City. Napakabibilis po kasing magpatakbo ng mga motorsiklo at sasakyan ang mga motorista rito. Napakadelikado po kasi sa mga bata lalo na sa mga anak ko. Nakiusap na po ako dati sa isang kagawad dati na kahit ako na ang mag-provide ng humps na gulong pero hindi raw po puwede.
- Isang concerned citizen lang po, irereklamo ko lang po ang kalsada sa tabi ng public markert sa Catarman, Northern Samar na ginagawang stalls na paupahan ng aming munisipyo. Pinagkakakitaan nila ang public road habang heavy traffic naman ang bunga nito.
- Tama po ba na iyong PTA ng public school ay umabot ng P375.00? Kasi po sa Barcelona Comprehensive High School po ay ganoon. Hindi po ba ay masyadong malaki iyon? Isa po akong concerned parent.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo