WISH NI ERICH Gonzales ay magkaroon na siya ng boyfriend bago man lang mag-Pasko. Pero ilang araw na lang daw, baka hindi pa dumating.
Ang tanong: Sino ‘yung nakita naming Chinese guy na kasama niya sa Centennial 2 ng Philippine Airlines patu-ngong Hong Kong? Kasabay namin sila sa flight, pero pang-economy lang ang byuti namin at sila nu’ng guy ay nasa business class.
In fairness to us, hindi naman para bigyan namin ‘yon ng malisya na roon sila magpe-pre-honeymoon sa Hong Kong, dahil me kasamang personal assistant na girl si Erich that time. Hindi nga lang niya kami nakita sa boarding lounge.
Anyway, kung paniniwalaan natin si Erich na wala pa siyang boyfriend talaga, eh siguro nga, friend lang niya ‘yung Chinese guy na kasama niya sa Hong Kong.
Masyado ba kaming tsismoso?
Hehehe.
SAGLIT LANG NA nag-trending sa Philippines sa twitter ang pangalang “Pacman” at kinabukasan, wala na ito sa no. 1 at lalo na sa top ten.
Ang nakita pa namin doon kinabukasan ay ang pangalang Thia Megia at ang “Round 12”. Pero ang name ni Manny, ba’t gano’n, wala na?
Nagtanung-tanong din kami sa mga may alam sa trending sa twitter kumbakit gano’n ang nangyayari. Ang sagot sa amin ay baka hindi masyadong happy sa naging resulta ng decision ng mga hurado sa pagkapanalo ni Manny.
Sabi nga namin, ang mga tao, may sari-sariling opinyon. ‘Yung opinyon niya, ‘pag
ipinag-laban niya, eh opinyon niya kasi ‘yon. Kaso nga lang, at the end of the day, hindi pa rin siya judge.
So kahit pa ano ang sabihin natin. Kahit pa sabihin ng iba na hindi deserving si Pacquiao na ideklarang panalo, tapos na ang boksing. Dapat nga, mag-move on na tayo.
“’Yun ‘yon, Ogie, ang agang naka-move on ng tao, kaya siguro nawala sa trending si Pacman!”
Ah, gano’n ba ‘yon?
Anyway, opinyon pa rin ‘yan, kaya dapat pa rin nating irespeto.
IMBES NA SA Nov. 23, sa Nov. 30 na ipalalabas ang “I Won’t Last A Day Without You” nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo.
Bugbog na bugbog ang promo na sa Nov. 23 na ito iso-showing, pero ano nga ba’ng nangyari, ba’t nagkagano’n?
Ang nakarating sa amin ay ilang araw pa ang shooting ng balik-tambalang AshRald at pihadong hindi ito aabot sa Nov. 23.
Pero ilambeses na namang nangyari ‘yang ganyan, eh. ‘Yung palit-playdate? Aba, ‘yun ngang Praybeyt Benjamin na dapat sana’y Oct. 12 ipalalabas, nagsu-shooting pa rin at tila hindi aabot, kaya nag-decide ang mga producer na ilabas ito ng Oct. 26, dahil “maingay” pa rin naman ang ginawa sa box-office ng No Other Woman.
Hayan at so far, naka-P320M na ang gross ng movie ni Vice Ganda. So malay naman natin kung napaganda pa ang pagpapalit-playdate ng Gerald-Sarah movie, ‘di ba?
Sana nga, hindi makaapekto ang effective portrayal ni Gerald bilang si “Budoy” para panoorin pa rin ng mga fans nila ang kanilang balik-tambalan.
Think positive na lang siguro.
Oh My G!
by Ogie Diaz