SA KABILA ng pag-amin ni jake Cuenca na in love siya kay Lovi Poe, wala pa raw si-lang relasyon sa ngayon.
Sa hiwalay na interview namin sa aktor nu’ng nakaraang Linggo, inamin niya na sa kabila ng espesyal na nararamdaman niya para kay Lovi, gusto niya munang maghinay-hinay sa kanyang lovelife. Tanggap niyang hindi naging matagumpay ang lahat ng pinasok na relasyon at wala naman daw pagsisisi sa lahat ng naging pakikipagrelasyon. Pero sa ngayon, alam ni Jake na marami pa siyang dapat malaman sa kanyang sarili.
Ganito rin naman ang gustong mangyari ni Lovi nang maka-usap namin siya dati. Grabe rin kasing magmahal ang sexy actress at grabe rin itong nasaktan ‘pag nauuwi sa hiwalayan ang relasyon niya lalo’t maganda ang tinatakbo ng kanyang career sa ngayon.
Hiningan din namin ng reaksyon si Jake sa balitang nagkabalikan daw sina Lovi at da-ting Congressman Ronald Singson.
Ayon sa aktor, ayaw niyang magsalita para sa panig ng aktres at mas maganda kung si Lovi na lang ang tanungin tungkol dito.
Sa tanong namin kung matatanggap ba niya kung saka-sakaling totoo nga ang isyung ito, ayaw ibase ito ni Jake sa sitwasyon nila ni Lovi. Pero sa kabuuan ay matatanggap niya kung saan magi-ging masaya ang taong minamahal niya.
Matataapos na ang Kung Ako’y Iiwan Mo ngayong araw, para kay Jake ay lungkot at saya ang nararamdaman niya dahil pamilya ang turing nila sa isa’t isa. Sabay na ginagawa ang Kung Ako’y Iiwan Mo at ang Kahit Puso’y Masugatan, dalawang sasakyan ang iniregalo ni Jake para sa sarili, ito ay isang Jeep Wrangler at isang Suburban. Nagbabalak din siyang magpahinga sa Bali, Indonesia sa dara-ting na Disyembre, at babalik sa Enero ng susunod na taon. Ito ay para makapag-recharge siya dahil sa dami ng trabahong ginagawa.
NAGBIGAY NG isang thanksgiving presscon kamakailan ang PAO Chief na si Atty. Persida Acosta. Ito ay dahil sa sunud-sunod na mga karangalang natanggap niya mula sa Urian, Famas, Gawad Amerika at Star Awards ng grupong PMPC.
Tuloy pa rin ang show niyang Public Atorni, Asunto o Areglo sa AKTV.
Sa kabila ng marami ang humihikayat kay Atty. Persida na pumalaot na rin sa mundo ng pulitika, mas gusto pa rin ng PAO chief na magbigay ng serbisyong pampubliko kaysa maging pulitiko.
Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA