TIGAS NG KAKAHINGI ni Jake Cuenca ng paumanhin sa pamilya Singson bilang paglilinaw na rin sa mga kumalat na balitang diumano’y pinadalhan siya ng bala ng mga ito bilang babala sa napapabalita namang pangliligaw niya at pagma-mabutihan na nila ni Lovi Poe.
Sabi ni Jake, walang nakarara-ting sa kanyang mga bala kaya hindi niya alam kung saan ito nagmula at sino ang nagpakana. Dagdag pa nito, hindi niya raw nililigawan at hindi niya rin girlfriend si Lovi. Nagkasama raw sila sa Star Magic Ball. At wala ring katotohanang pinupuntahan niya ang dalaga sa unit nito sa same building where he also resides. Sa bahay raw ng manager ni Lovi niya sinundo ang dalaga kaya sabay silang nagpunta ng Star Magic Ball.
After namang magkaroon ng butt exposure ni Jake sa kanyang katatapos na pelikula, kahit na kabado siya at hindi sigurado kung magagampanan niya eh, tinanggap nito ang papel ng isang bading sa isa sa mga espesyal na episode ng MMK in celebration of the show’s 20th year na mapapanood sa October 15.
“Nakakatuwa nga kasi nu’ng sabihin sa akin ng handler ko na sa Barcelona, Spain ang taping, ang tanong ko agad eh, kung sino ang leading lady ko. ‘Yun pala bading
ang role ko. I was scared to do it. But I knew na dahil “MMK” ito eh, magagabayan naman ako. Kaya nu’ng pumunta kami du’n, ang peg ko talaga was BB Gandanghari. But when we were there, nakilala ko ‘yung mismong letter-sender kaya napag-aralan ko ‘yung personality niya. Siya rin ang nag-asikaso sa amin doon. ‘Yun nga lang, I didn’t have the time na madalaw ang family ko, dahil maikli lang ang time namin doon.”
PASOK ANG LAHAT ng mga naging pangalan ng Superstar sa maraming pelikulang kanyang ginawa sa mga karakter na iikot sa istorya ng Sa Ngalan ng Ina ng TV5.
Naisip ng pool of writers na ang mga pangalang nagamit na nito sa kanyang past movies ang gamitin sa nasabing mini-serye. Elena ang pangalan ng karakter ng Superstar. Si Eugene Domingo si Pacita, si Nadine Samonte bilang si Andrea, si Eula Caballero bilang Elsa, si Karel Marquez bilang Carmela at Rosanna Roces bilang Lucia.
Sa ginanap na red carpet premier para sa pilot episode, muling nahainan ng mga tanong ang Superstar. At isa na rito ang tungkol sa kasong ipupursige raw nitong ipag-laban dito sa bansa na may kinalaman sa pagkawala ng boses niya nang diumano’y magpabanat siya ng mukha sa Japan. Ang lalamunan kasi nito ang napuruhan kaya nga hindi na ito maka-kanta.
Parang pelikula na nga ang
dating ng SNNI nina direk Mario O’Hara at Direk Jon Red. Sana nga eh, huwag itong bitawan sa pagsubaybay ng mga manonood. Dahil pilot episode pa lang ‘yung nakita namin, parang gusto na naming mapanood ang mga susunod pang episodes.
RIGHT THUMB ANG nadisgrasya sa aktor na si Johan Santos. Pero halos mahigit isang libong piso pala ang kabayaran para sa surgery nito.
Naglaro lang daw ito ng basketball nang wala siyang taping sa Hiyas at ‘yun ang naging disgrasya niya.
Kaya nataranta ang kanyang manager na si Leo Bukas. At sa PGH (Philippine General Hospital) sila humantong matapos na mag-inquire sa iba pang mga pagamutan sa halagang aabutin para sa operasyon sa nasabing daliri.
Sinusuwerte sina Johan at Leo dahil isang kakilalang surgeon ng kanilang kaibigang si Mama Fely dela Cruz ang nagbigay ng tulong para mas maging maluwag sa kinakailangan ng lapatan ng lunas na si Johan ang kanilang gastusin in the person of Dr. Emmanuel Estrella.
Sabi nga, Johan or Leo must have done something good to deserve it na sa panahon ng pangangailangan eh, meron agad naging sagot!
The Pillar
by Pilar Mateo