TILA SI Marian Rivera na naman ang subject ng blind item about a female celebrity na biglang kinansela ang pagbisita niya sa isang cancer patient.
Nasulat na pumayag na ang aktres na bisitahin ang isang fan niya na may cancer. All set to go na, ready na ang bata at ang pamilya nito. Kaya lang, may isang naging hassle – walang TV reporter na magko-cover ng event dahil lahat ay nagamit na sa coverage para sa yumaong Comedy King na si Dolphy.
Nalaman ito ng aktres at alam n’yo ba kung ano ang ginawa nito? Kaagad daw nitong ipina-cancel ang hospital visit niya dahil walang magko-cover nito. I-set na lang daw kapag may available nang TV reporter.
Si Marian nga kaya ang tinutukoy? We hope not, but we have a feeling that she could be it.
KRIS AQUINO does not welcome the idea of one day guesting TV host Grace Lee on her talk show Kris TV.
The loquacious TV host made it clear because she was asked by a follower on Twitter if there’s a possibility of her guesting Grace on her morning talk show on ABS-CBN.
Kris’ answer was direct, wala nang paligoy-ligoy which we admire.
“Honestly it wouldn’t be proper. PNoy is our president & my kuya. I’ve learned to respect his privacy 100% ,” esplika ni Kris kung bakit hindi puwedeng mag-guest si Grace sa kanyang show.
We think that there is no need for Grace to appear in Kris’ show since tumigil na naman sila sa pagde-date ni P-Noy. Baka maging awkward pa ang eksena nila.
One thing more, baka rin hindi pumayag ang Kapuso Network dahil talent nila si Grace.
And isa pang issue na sinagot ni Kris ay ang possibility na magkagusto siya kay Senator Chiz Escudero na co-host niya ngayon sa kanyang show.
“NO. He’s PNoy’s good friend, so I look to him as semi family,” sabi ni Kris.
Kaloka, tinabla ni Kris sina Grace at Chiz!
Anyway, extended ang co-hosting job ni senator Chiz sa show ni Kris.
HINDI RAW bilib sa press itong si Michael V., wala raw itong kasimpa-simpatiya sa mga manunulat. Mas magaling daw siya sa mga ito.
Well, wala rin namang bilib sa kanya ang mga manunulat. Kita mo, hindi masyadong nagre-rate ang kanyang mala-talk show na may pagka-comedy na palabas sa Siyete.
Isa pa, wala ka naman talagang masasabing hit movie as a comedian na solo lang. Wala kang mega blockbuster movie, ‘no? Kaya tigilan ang kayabangan.
Natawa nga ang friend namin when he said na kahit kalahati man lang daw ng naabot ni Dolphy ay maabot din daw niya.
Michael, that will never happen. Not even in your dreams.
First, sa pakikisama pa lang ay walang-wala ka na sa namayapang great comedian.
Second, you’re not a great comic actor. Kung magaling ka, eh, ‘di dapat meron ka nang solo movies ngayon. Eh, extra ka nga lang sa movie ni Ogie Alcasid, eh.
Magtigil ka sa ilusyon mo, Michael V.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas