SI PAULO Avelino ba nasa liga ng isang Piolo Pascual at John Llyod Cruz? Straight forward answer ko is hindi. May talent siya. Marunong umarte pero call him Mr. Attitude.
Hindi ko maintindihan kung bakit tinanggihan niya ang role para sa isang bagong teleserye na dapat ay pagsasamahan nila ni Angel Locsin. I really don’t know kung anong meron sa kukote niya para palampasin ang pagkakataong tulad nito.
The fact that he is not a big star I wonder kung ano ang attitude na meron siya para tablahin ang isang project together with Angel.
Bukod kay Paulo, problem din ang manager niyang si Leo Dominguez na ang attitude na keber and to hell ay hindi na bago.
Mabuti na lang magaling ang Road Manager ni Ogie Alcasid (who is also managed by Leo) na si Ray Llanada who can handle Ogie’s career with ease at hassle free lalo pa’t between Leo and Ray, mas hamak naman na may alam sa PR sa press ang RM kaysa sa totoong Manager.
IBA NGA naman kung mga beteranong mga artista ang katrabaho mo. Walang attitude. Madaling kausapin at pakiusapan.
Kahit may kalayuan ang location ng biggest teleserye ng ABS-CBN sa taong 2013, ang Muling Buksan and Puso game at walang angal ang mga artista kahit umuulan at medyo mahirap marating ang lokasyon sa San Juan, Batangas.
Minsan si Pilar Pilapil, inatake ng kanyang asthma. Imbis na umuwi na dahil hindi na kaya ng senior actress ang kanyang sitwasyon at pakiramdam, napakiusapan siya ni Direk Manny Palo na mag-extend kahit until alas-tres ng madaling-araw para matapos lang ang eksena.
Naintindihan ni Ms. Pilar ang pangangailangan ng produksyon na matapos ang eksena lalo pa’t kailangan nilang tapusin ‘yun na isa sa mahahalagang eksena sa opening week.
Ngayong araw ang simula ng bagong serye ng Kapamilya Network, kung saan sa mga senior stars tulad nina Susan Roces at Dante Rivero, all support din ang mga character actors and actresses na kabilang sa serye tulad nina Agot Isidro at Cherie Gil kasama sina Daniel Fernando, Jestoni Alarcon at Dominic Ochoa.
Lahat sila nagsasakripisyo sabi ng DreamScape na siyang may pasimuno ng produksyon.
Maging ang bagets stars na sina Enchong Dee, Julia Montes at Enrique Gil, malaki ang suporta sa produksyon kahit puyat mula sa taping nila the previous night (actually, umaga na natatapos) para lang mapaganda ang palabas.
Kahi sa simula ay nagkakailangan sina Echong at Julia na minsang na-involve romantically na hindi naman nagkatuluyan, pero naitawid nila for the sake na maging maganda ang mga eksena nilang dalawa.
Marahil, dahil mga bihasa at alam ang salitang propesyonalismo, lahat ng mga artista na kabilang sa cast ay nahihiya ring sumabit o sumablay sa kanilang trabaho bilang mga artista ng palabas.
Kaya lahat sila, performance level sa kanilang ipinapamalas kahit pagod at puyat; kahit malayo ang lokasyon at kailangang makarating on time sa set (some of them departs Manila at four in the morning) not later than seven ng umaga ay walang angal na naririnig mula sa kanila.
Ang Kapamilya Network, pumapanday ng mga artistang propesyonal na tama lang naman para sa pakikinabangan nila in the future at sa iba nilang mga proyekto.
AMINADO SI Matt Evans na may pagkakamali siya along the way sa karir niya. Nang minsang makulong ay natuto na.
Pero nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ng misis (kasal sila sa huwes) niya na nagbunga ng isang anak.
“My kid is with his Mom,” sabi ni Matt sa amin tungkol sa kinauwian ng pagsasama nila.
Laki ng pasasalamat ni Pedro Penduko (his TV character noon) kung saan nakilala siya with his curly-afro hairstyle dahil natuto siya at nabigyan muli ng Star Magic ng pagkakataon na makabawi.
After that incident, binigyan siya ng magandang pagbabalik via Paraiso, isang afternoon soap sa Kapamilya na pinagbidahan ni Jessy Mendiola.
Sa bago niyang trabaho sa mother studio niya, laki ng pasasalamat ni Matt at kasama siya sa Muling Buksan ang Puso.
“I’m thankful dahil hindi nila (Star Magic) ako binitawan at naka-suporta pa rin sila.”
Reyted K
By RK VillaCorta