NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- Irereklamo ko lang po ang mga blue multicabs na biyaheng SM Bacoor at SM Molino dahil hindi nagbibigay ng discount sa pamasahe sa mga senior citizen. Nagagalit ang mga driver kapag senior ang sasakay. Nagka-cutting trip din ang mga blue multicab na ito.
- Pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dito sa Pasangan, Biabas Ubay, Bohol, sana po ay maaksyunan ang aming sirang tulay.
- Patulong naman po rito sa Bacacay District Hospital sa Albay. Lagi po kasing walang naka-duty na doktor. Lahat ng tao at pasyente ay tatawid pa ng dagat para makapagpagamot. Sana po ay matulungan ninyo kami.
- Isa po akong concerned parent dito sa Balibago National High School sa Sta. Rosa, Laguna, irereklamo ko lang po ang eskuwelahan dahil kapag hindi nakapagbayad ng P100 para sa contribution sa electric fan ay hindi pinag-e-exam ang bata.
- Irereklamo ko lang po ang foot bridge sa may Imus, Cavite along Aguinaldo Highway na pinamumugaran ng mga rugby boys na roon na umiihi at dumudumi. Hindi na madaanan ng mga tao. Pakitawag naman po ang pansin ng mga kinauukulan tungkol dito.
- Reklamo ko lang po ang isang hardware dito sa Congressional Road dahil laging nakatambak sa kalsada ang buhangin at mga hollow blocks. Napeperhuwisyo ang mga motorista dahil mahirap makadaan.
- Panawagan lang po sa mga kinauukulan sa General Trias, Cavite, sa bandang ACM Paramount Navarro, isang buwan na pong hindi kinukuha ang basura. Sana po ay maaksyunan.
- Irereklamo ko lang po na ginagawang parking space ng mga sasakyan ang both side ng kahabaan ng Ortigas Avenue samantalang bawal po iyon. May mga traffic enforcers sa paligid pero hindi naman napapaalis ang mga sasakyan.
- Concerned citizen po ako rito sa Mandaue City, Cebu. Ang reklamo ko ay iyong sobrang tagal ng pagkumpleto ng daan dito sa amin. Sa Sudlon Maguikay, Mandaue City. Kalye po ito papuntang St. Louis College. Noong July last year pa ito nasimulan pero hanggang ngayon ay hindi pa tapos. Bihira ko lang makita na may gumagawang tao roon. Wala pa yatang isang kilometro pero hindi nila kayang tapusin agad. Pahirap na sa amin lalo na sa mga bata na papunta at palabas ng school. May hukay na ‘di ligtas dahil hindi nababakuran nang maayos kaya prone to accident talaga.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapapanood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo