NAGSISIMULA NANG maging “family feud” ang awayang Annabelle Rama-Nadia Montenegro as Richard Gutierrez has joined the fray.
Sa naging “act of omission” committed by Richard for failing to mention Ynna Asistio’s name na kabilang sa mga magpe-perform in a group number in last Sunday’s episode of a variety show, naging dahilan ‘yon ng pagtu-tweet ni Nadia ng kung anu-ano laban sa anak ni Annabelle.
Tinawag na “bastos” at “hindi lalaki” ni Nadia si Richard, na aniya’y hindi na dapat pang nakikisali sa kanilang away ng ina nito. But to judge Richard as having done it deliberately is prematurely unfair at this point.
Dahil sa mga tweets ni Nadia, imposibleng walang kontra-tweets si Annabelle. Sinabihan niyang kumpara sa anak niyang superstar ay mga starlet lang naman ang anak ni Nadia.
Samantala, naging tensiyonadong muli ang outgoing week na ito. Lunes, February 20, nang isumite ni Nadia ang kanyang rejoinder sa theft case na inihain sa kanya ni Annabelle. Separate hearings were also scheduled last Wednesday and yesterday.
It will probably take less than a week from hereon, at ang mga kasong isinampa nina Annabelle at Nadia ay mamamaalam na sa fiscal’s level, hence, iaakyat na ang mga ito sa pre-trial. Samantala, ang prosesong tinatawag na mediation takes place ‘pag nagsimula na ang pormal na paglilitis sa kaso. It is in this phase that cooler heads serve as go-betweens to determine kung kaya pang hilutin ang kanilang mga kaso.
However, as far as Annabelle and Nadia are concerned, kahit mandando pa ng batas ang mediation ay tuluy-tuloy ang kaso… matira, matibay.
BILANG PAGTUGON na rin sa kahilingan ng mga kababayan natin mula sa Albay, Bicol, sa kauna-unahang pagkakataon ay pinaunlakan ng Face To Face ang Barangay Busay sa Daraga bilang pagdiriwang ng kanilang unang taon ng Cagsawa Festival.
Set against the backdrop of the historic Cagsawa Ruins amidst the splendour of Mayon Volcano, doon nabuo ang kuwentong Lolo Na Game Pa Sa Romansahan, Tatlong Babae Pa Ang Gustong Anakan! Na matutunghayan ngayong Biyernes.
Ayon kay Lolo Eddie, kahit meron na siyang walong anak sa kanyang unang kinakasama ay keri pa rin daw niyang ikalat ang kanyang lahi. Sa episode na ‘yon nagtagpu-tagpo ang kanyang mga keridang sina Marilyn, Yolly at Bing with matching may nililigawan pa na si Beth. Kaso, ang problema ni Lolo Eddie, isa raw sa tatlong kulasisi niyang ‘yon ay wala nang matris, ‘yung isa nama’y baog kaya du’n na lang daw siya sa babaeng makapagbibigay sa kanya ng anak.
PERSONAL: A regular reader of Pinoy Parazzi, businessman Bebot Bunye takes pride in being the founding member of the alumni association of his alma mater, ang Pasay City High School Batch ‘62. It took 30 years later para masimulan ni Kuya Bebot ang layunin ng naturang grupo ng mga gradweyt doon na ipinagpapatuloy ng mga sumunod na lider.
Last Sunday, nagdaos ng kanilang reunion ang kanyang batch in celebration of its 50th year, kung saan marami sa mga kamag-aral ni Kuya Bebot flew in from the US to be part of the heartwarming occasion.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III