Walang ipinagkaiba kay Vice Ganda
Ate Gay, may attitude problem na rin

BLIND ITEM: Homonyms (o magkasingtunog) ang tawag sa salitang “ceiling” at sa pangalang “Celine”. In a way, puwedeng ipanglarawan ito sa isang sikat na gay celebrity who can sound like Celine Dion while singing, and at the same time putting a “ceiling price” on a good-looking guy na type niyang hadahin for a night.

Tulad ng alam ng marami, meron nang basketbolistang dyowa ang baklang ‘yon although anonymous, yet what many don’t know ay nakukuha pa pala niyang iputan sa ulo ang obvious namang nangggagatas sa kanya?

Talk about that gay personality’s limited budget. Hanggang 5 thou lang daw ang can-afford niyang ibayad sa kanyang object of hada. No more, no less. At kung hihirit daw ng “Higher!” ang lalake, it’s a take-it-or-leave-it deal.

Ganda, ‘di ba?

A SELF-CONFESSED brewhound (read: adik-adik lang nang konti sa alak), ang aming gabi-gabing pugad ng paglilimayon ay may ibinubunga ring tsismis tungkol sa ilang kilalang celebrity mula sa mga ordinaryong tambay rin.

A stone’s throw away from our residence in Pasay City, we are a nightly habitué of a videoke bar & resto owned by the prominent Sys (perhaps no relation to the business tycoon behind the huge success of SM and its conglomerates).

Sandwiched ang lugar na ‘yon ng kapareho ring negosyo, pero ang katabi nitong dimly lit bar caters more to the beki market.

So, what’s the catch? Ang nakainuman namin lately ang nagkuwento tungkol daw sa na-meet niyang kostumer doon. Uncertain, tanong niya sa amin: “May kapatid bang bakla si Tim Yap?”

Honestly, wala kaming alam sa family background ni Tim. All that we still remember about the late-night TV host ay ang aming magandang working relationship back on a QTV 11 show. At ano naman kasi ang pakialam namin sa personal na buhay ni Tim? He is a nice guy, after all.

Pero pagpupumilit  ng aming kateybol, “Kapatid daw siya ni Tim Yap. Matangkad siya, maskulado, pero halatang bakla. Mukha rin siyang Chinese, kaya gusto naming maniwala na kapatid nga niya si Tim Yap!”

Sa pagkakataong ‘yon, dumepensa na kami kay Tim, if at all ginagamit lang ng baklang ‘yon ang TV host-fashionista to his advantage.

Tim, as we all know, owns a string of high-end bars scattered all over Metro Manila, bakit sa isang pipitsuging lugar mapapadpad ang nagpakilalang kapatid daw ni Tim Yap? Ayaw pakabog ng aming kainuman, “Easy to get kasi ang mga lalaki sa bar na ‘yon. Sa madaling salita, mura lang.”

Still, no immediate relative of any famed showbiz celebrity would dare swoop down on a honkytonk bar, at para buong-ningning pang ipanglandakan ang karespe-respetong si Tim Yap? Excuse us, you can call Tim Yap names, but he’s one discreet fellow!

AYAW NAMING isiping nasayang lang ang aming ginawang pagtatanggol kay Ate Gay comparing him with Vice Ganda as far as entertaining their audience is concerned.

Consitently, we remain firm and steadfast sa aming opinyon that Vice Ganda’s and Ate Gay’s comedic attacks are poles apart. Kung pang-ookray ang nakasanayan nang comic device ni Vice Ganda para kagatin ng mga manonood, Ate Gay relies on his mush-ups approximating Nora Aunor’s vocal nuances na klik sa masa.

Pero wala rin palang pinagkaiba ang dalawang baklang ito in terms of attitude and, yes, their concept of fame.

Sa sobrang pagkaidolo yata ni Ate Gay kay Vice Ganda, even the latter’s attitude problem ay pinahintulutan niyang mahawaan like an infectious disease.

Ang hirap sa mga baklang ito, ginagamit nilang lisensiya ang kanilang pansamantala lang namang katanyagan to justify their swell-headedness. Lest these two creatures forget, mga novelty lang sila.

Now, they perform before an audience;  tomorrow, the audience will clamor for other performers!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articlePinoy Parazzi Vol 6 Issue 78 June 17 – 18, 2013
Next articleChristian Bautista, ayaw nang pag-usapan ang Singaporean girlfriend

No posts to display