SI JC SANTOS ang isa sa breakthrough stars ng ABS-CBN ngayong 2017. As early as now, sure na sure ako na mas lalo pang bobongga ang karir ng binata dahil sa professionalism and versatility na ipinapakita nito.
May ilang indie films na rin itong nagawa, pero sa pelikulaang “Sakaling Hindi Makarating” na pinagbidahan ni Alessandra de Rossi unang napansin ng Kapamilya network ang aktor. Mula rito, malay-layo na rin ang tinahak ng kanyang showbiz career.
Sa TV, biggest break niya ang “‘Till I Met You”, kung saan ginampanan niya ang isang character na closet gay sa umpisa at dahil sa galing niya, nagkaroon na siya ng sariling istorya. May point pa nga noon na parang siya na ang pinakabida over James and Nadine’s character.
Recently lang din ay itinambal siya kay Kim Chiu sa “Ikaw Lang Ang Iibigin”.
Sa big screen naman ay lumabas ito sa Cinemalaya 2017 entry na “Nabubulok” at box-office hit naman ang pelikula nila ni Bela Padilla na “100 Tula Para Kay Stella”, na ipinalabas sa Pista ng Pelikulang Pilipino.
No wonder siya ang kinuha nina Bossing Vic bilang isa sa millenial cast members ng upcoming family movie na “Meant to Beh”. Usually kasi, expected natin na puro galing sa GMA-7 ang kasama sa MMFF movies ni Bossing. This time ay ginagampanan ni JC Santos ang papel ng isa sa anak nina Bossing at Dawn. He is paired naman for the first time with fellow Kapamilya star na si Sue Ramirez.
Dahil recently ay puro non-beki roles ang napupunta kay JC, natanong ng press kung willing ba itong gumawa ulit ng gay role.
“Ako naman po wala akong problema na “ma-stereotype”. Basta may kuwento, may role na maganda gagawin ko naman eh.” isplika ni JC.
Nang tanungin kung sino ang naiisip niya na makapartner, wala raw itong naiisip pa.
Well, a good actor who is comfortable with his sexuality will definitely accept any role that comes his way basta ba maganda ang material.
Ang MEANT TO BEH ay isa sa pampamilyang pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival ngayong Christmas Season.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club