Dear Atty. Acosta,
NAGPAKASAL ANG kuya ko sa Amerika, at nang umuwi sila rito sa Pilipinas ng kanyang napa-ngasawa ay nagpakasal silang muli. Ang ginamit nilang marriage license ay iyong nakuha nila sa Amerika noong taong 2003. Nang subukan kong kumuha ng marriage certificate nila sa NSO noong January ng taong ito ay wala akong nakuha. Bago matapos ang buwan ng Marso ay pinadalhan ako ng kuya ko ng kanilang marriage certificate mula sa lugar kung saan idinaos ang kanilang kasal. Legal po ba ang kasal nila kahit wala pang kopya ng kanilang marriage certificate na lumalabas sa NSO? Ano po ba ang dapat gawin?
Veronica
Dear Veronica,
SA ATING batas, ang isang kasal ay masa-sabing legal at may bisa kung ang mga sumusunod na esensyal at pormal na elemento ay naroon nang maganap ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at babae: (1) Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female; (2) Consent freely given in the presence of the solemnizing officer; (3) Authority of the solemnizing officer; (4) A valid marriage license; at (5) Marriage ceremony which takes place with the appearance of the contracting parties before the solemnizing officer and their personal declaration that they take each other as husband and wife in the presence of not less than two witnesses of legal age. (Articles 2 and 3, Family Code of the Philippines)
Nasabi mo sa iyong sulat na ang marriage license na ginamit ng iyong kapatid at ng kanyang asawa ay iyong nakuha nila sa Amerika. Ngunit hindi mo nabanggit kung ito ay nagmula sa Consular Office ng Pilipinas sa Amerika o kung ito ay mula sa ahensya ng gobyerno sa Amerika na may tungkuling magbigay ng lisensya para sa mga magpapakasal.
Kung ang lisensya ay nagmula sa Consular Office ng Pilipinas sa Amerika, ito ay masasabing balidong lisensya sapagkat may awtoridad ang mga opisyal ng ating Consular Office na pangasiwaan ang kasal sa pagitan ng mga Pilipinong nasa ibang bansa, at tungkulin din nila na magpalabas ng marriage license na gagamitin ng mga ikakasal. (Article 10, id) Sa aming opinyon, kung ang lisensyang ginamit ng iyong kapatid ay mula sa ating Consular Office sa Amerika, maaari itong magamit dito sa Pilipinas sa loob ng 120 na araw mula sa araw na makuha ito. Ito ay isang balidong lisensya.
Atorni First
By Atty. Persida Acosta