Walang nangungulekta!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

Pakitawag naman po ang pansin ng mga kinauukulan dahil dito po sa aming lugar sa Tungko, San Jose Del Monte Bulacan ay mahigit isang buwan ng hindi kinokolekta ang basura. Sana po ay matulungan ninyo kami.

Isa po akong concerned citizen dito sa Talisay Cebu, reklamo ko lang po na walang nangungulekta rito ng basura sa amin. Tanging mga tribike na nagpapabayad ang nagkokolekta ng basura, ang problema nga lang sa mga ito ay kung saan-saan lang naman nila tinatapon.

Irereklamo ko lang po iyong isang junkshop dito sa aming lugar sa Brgy. Mapagong, Calamba, Laguna. Kasi po sa gabi ay ginagawa nilang paradahan ng mga truck nila iyong bagong gawang kalsada.

Ireport ko lang po iyong check point dito sa Regalado papuntang Sauyo Road dahil may dalawang check point na magkahiwalay pero wala silang signage at nasa madilim na bahagi sila nakapuwesto. Puro lagayan lang ang nagaganap.

Gusto ko lang po humingi ng tulong para makuha po ang aming suweldo sa DSWD-NCR bilang street sweeper. Lumapit na po kami sa Presidential Action Center pero wala pa rin pong resulta. Sana po ay matulungan ninyo kami.

Kanino po ba dapat isumbong itong bicycle lane dito sa Marcos Highway dahil may mga lugar na ginawang parking area ang nasabing lane. Iyong iba po ay ginawang talyer kaya iyong mga biker ay sa kalsada na rin dumaraan. Delikado po dahil matutulin ang mga sasakyan sa kalsada. Pakitulungan po ninyo kami.

Concerned citizen lang po, reklamo ko lang po iyong mag truck dito sa Domingo Santiago sa Sampaloc, Manila sa Brgy. 576 dahil nakaparada lang po sa tabi ng kalsada at sa loob ng basketball court. Nagko-cause po sila ng traffic dahil nagiging one-way na lang po ang kalsada dahil naookupa nila ang isang lane.

Hihingi lang po kami sa inyo ng tulong para mapahinto ang nagbebenta ng LPG gas dito po sa Brgy. 97 Zone 8 dahil residential area po ito at prone po ang sunog dahil dikit-dikit ang mga bahay at sa liit ng kalsada ay hirap pumasok kahit ang sidecar. Hindi naman po pinapansin ng barangay ang aming petition letter kaya humingi na po kami ng tulong sa inyo.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.

Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleLove team nina Alden Richards at Maine Mendoza, pinagpaplanuhan na raw na isabotahe
Next articleChild star AJ Ocampo, gustong makasama sa teleserye sina Marian Rivera at Coco Martin

No posts to display