Walang Pamagat

MANIWALA KAYO o hindi: New York Times reporter Kevin Sock ay nakatagpo ng isang istorya tungkol sa isang U.S. citizen na naghandog ng kanyang isang kidney sa isang na-ngangailangan na walang kapalit na bayad o anumang pabuya.

Ang Good Samaritan ay si Ric Puzzamento, 44 ng California. Ang organ recipient ay isang 66 anyos na male kidney patient sa New Jersey Hospital. Nangyari ito nakaraang Oktubre 2011.

Nu’ng una, tumutol ang maybahay ni Puzzamente. Subalit nu’ng maipaliwanag ang dahilan, ang maybahay pa mismo ang tumulong sa pag-aasikaso sa ospital ng donation procedure. Ano ang dahilan?

Paliwanag ni Puzzamente. Napag-alaman ko, isang kaibigan kong lady receptionist sa isang spa ang nag-donate ng kanyang kidney sa isang mahirap na nangangailangan. Walang kapalit o ano mang konsiderasyon. Naisip ko, bakit ‘di ko rin gawin ito. Mabubuhay pa naman ako ng isang kidney. Sa nakararami, maaaring ito’y isang kabaliwan.

Naisip ko tuloy na patuloy na umiikot ang mundo dahil sa ‘di mabibilang na lihim na kabaitan at pagmamalasakitan ng ‘di rin mabibilang na tao. Sa napakaraming kubli at maliit na sulok ng ating buhay, nakaranas tayo ng grasya ng pinilakang puso ng maraming nilalang. Ang pagsasakripisyo ng buhay sa kapwa. Ito ang pinakamataas na uri ng pag-ibig na ipinakita ng Panginoon mismo sa Golgota.

May isa pa kong alam na istorya. Tungkol sa ‘sang napakayaman at tanyag na manggagamot, Dr. Albert Switzer, isang Aleman. Ginugol niya halos kalahati ng kanyang buhay sa panggagamot sa mga dukha at maysakit sa Africa. Immortal words niya: God pays for my poor patients. Si St. Teresa ng Calcutta ay isa ring nagniningning na halimbawa. Ang listahan ay napakahaba.

Tanong ninyo: Bakit walang pamagat ang pitak na ito? Sapagkat ang ganyang uri ng kadakilaan ang dila lamang ng mga anghel ang makabubuo at makabibigkas.

SAMUT-SAMOT

 

MASAMANG DATING ng taon. Tadtad na ang bayan ng kalamidad. Super typhoon sa Cagayan de Oro at lindol naman sa Surigao del Sur. Sa ibang parte ng mundo, mas malubha. Effects ito ng climate change, sa ating pag-aabuso sa ating kalikasan. Kaawa-awa naman ang magiging uri ng buhay ng sunod na henerasyon.

AVERAGE INFLATION ay papatak sa 3%-5% target ng monetary authorities sa taong ito kahit na lumolobo ang presyo ng langis. ‘Di ito makaaapekto nang lubha sa ekonomiya. Subalit kailangan tumaas ang exports volume kaysa import. Sa total, the economy will face rough sailing but it will survive.

EXPERTS HAVE cautioned that global warming may contribute to lupus, an autoimmune disease. Authorities said global sunlight or ultraviolet rays caused by global warming are factors for triggering lupus. Other factors are physical, emotional stress, smoking and non-compliance to medications.

MUNTIK NANG mamatay sa broad daylight ambush si NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda sa Paco, Manila kamakailan. ‘Di pa natutukoy kung sino at ano mga motibo ng assailants. Grabe na ang breakdown ng peace and order sa lahat ng parte ng bayan. Anong ginagawa ng PNP? Si PNP Chief Nicanor Bartolome ay puro pa-pogi lang sa TV. Tila walang solid efforts to plan to stem the crime wave. Kung ang isang NBI top official ay ‘di ligtas sa ambush, papaano ang ordinaryong mamamayan. Hoy Sec. Jess Robredo, magtrabaho ka naman!

ANG PAGIGING Katoliko ay ‘wag ihalintulad sa ‘sang damit na sinusuot lang ang pagsimba sa Linggo. Nakalulungkot. Subali’t ‘di mali ang obserbasyong ito. Faith without work is nothing. Sana’y ang ating pagiging spiritual ay i-transform tayo sa pagiging mabuting nilalang.

PINAKAMASARAP NA kumain ng halo-halo nga-yong summer ay sa mga branches ng Razon’s. Ewan kung bakit kakaiba ang linamnam at lasa ng kanilang pampalamig. Sa lahat ng branches, pila ang mga customers. Dahil sa sarap, nakauubos ako ng dalawang baso. Ito ay ‘pag ‘di ko kasama ang aking maybahay. Siguradong pagagalitan niya ako dahil ako ay diabetic at bawal ang matamis. Sabi ko sa sarili ko, bahala na. Masarap ding kumain ng halo-halo sa Manila Pen lobby at Milky Way sa Pasay Road. Naalaala ko nu’ng ako’y bata ako, ang inay at aking mga kapatid ay nagtitinda ng halo-halo sa tapat ng aming bahay. Mabili. Subalit karamihan ay utang.

BALIKAN ANG mga turista sa Baguio. Nu’ng Semana Santa, mahigit daw kalahating milyon ang umakyat. Mabuti sa ating tourism industry. Ngunit sa mga TV footages, napansin ko na napakarumi ng Burnham Park lalo na ang man-made lagoon. ‘Di katulad nu’ng nakaraang 50 taon na aakyat ka pa lang sa Kennon Road ay amoy mo na ang samyo ng pine trees. Ngayon ang naaamoy mo ay usok galing sa barbecue stalls at lutuan ng donuts sa mga malls. ‘Di rin kami sumasang-ayon na isa pang Shoemart branch sa lungsod. Ito’y lalong makasisira sa ecology. Labis-labis na ang mga malls natin sa buong bansa. Kailangan natin para umunlad ay production hindi consumption. Hoy G. Henry Sy, paawat ka naman.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 71 May 30 – 31, 2012 Out Now!
Next articleTigasin!

No posts to display