VERY VOCAL itong actress na si Agot Isidro sa kanyang mga paniniwala. Mapa-pulitika man or sa isyung alternative lifestyle.
Nasubukan siya sa mga kaliwa’t kanang atake sa kanya ng mga netizens sa hindi niya pagsang-ayon sa mga kaganapan sa bansa sa pamumuno ng president mo (hindi ko) na si Rodrigo Duterte. Si Agot, lumalaban. Ang aktres, palaban.
Sa nangyari sa Rappler na isang online news agency, may punto de bista ang aktres na ipinahayang during the presscon of her film under Direk Dan Villegas na “Changing Partners” na tumatalakay tungkol sa puso, ekspresyon at usaping relasyon ng Boy, Girl, Bakla,Tomboy na sa tema pa lang ay isyu na sa mga hindi makasabay sa mga pagbabago pagdating sa usaping relasyon at pagmamahalan.
Naniniwala si Agot sa press freedom. Hindi siya sang-ayon sa pagpapasara ng SEC at sa pagre-revoke ng lisensya ng naturang kompanya na isa sa mga very vocal din sa opinyon nila tungkol sa mga kaganapan ng korupsyon sa kasalukuyang pamahalaan.
Ayon sa aktres: “Kailangan ng lahat. It’s like doing a film, kailangan mo ng feedback. Kapag hindi ka nakarinig ng feedback and you’re just doing things on your own without getting any criticism or even encouragement, hindi mo alam kung saan ka lulugar,” pagpapaliwanag niya.
Dagdag ni Agot: I guess that’s press freedom for people to say what’s really happening, and they should use is as a tool for improving their services, their performance.”
Sa pelikula ng aktres together with Anna Luna, Jojit Lorenzo at Sandino Martin, paniwala ni Agot na hindi niya hinuhusgahan ang gender preference ng kahit sino man. “Love is Love,” say ng aktres.
Maganda ang relasyon ng aktres sa mga nakakasalamuha at nakakatrabaho niya sa showbiz na aminin natin, ngingibabaw ang galing at creativity ng mga LGBT sa industriya ng telebisyon at pelikula.
Sa totoong buhay, never nagkaroon ng karanasan ang aktres na makipagrelasyon sa isang lesbian pero pakiusap niya,if ever mangyari raw yun ay huwag siya i-judge if ever pumasok man siya sa girl-tomboy relationship.
Showing ang Changing Partners next week, January 31.
Reyted K
By RK Villacorta