SANG-AYON SI Eugene Domingo na mag-apologize si Wally Bayola nang maayos dahil sa kumalat na sex video nila ng isang member ng EB Babes last year.
Dahil kasi sa naturang sex video, nawalan ng trabaho si Wally sa Eat Bulaga at natsugi rin siya sa Celebrity Bluff.
Aminado si Uge nami-miss na niya si Wally dahil matagal niyang nakatrabaho ang komedyante/TV host. Dasal niya na makabalik na nga ito sa trabaho.
“It’s always good naman to be mas mapagkumbaba. Wala naman taong hindi nabibigyan ng pangalawang pagkakataon sa buhay,” say ni Uge.
Para naman kay Michael V, malaki ang nagawang kontribusyon ni Wally sa anumang TV show na sinalihan nito dahil sa galing magpatawa.
“Siguro biased ako kasi kaibigan ko siya at kasama sa industry but if you close your eyes to that incident, ang daming nagagawa ni Wally. Ang dami niyang napapaligaya. Ang dami rin tuloy na nade-deprive ng kakayahan ni Wally just because of that,” pahayag ni Bitoy.
Sang-ayon din si Vic Sotto na bigyan ng pagkakataon muli si Wally. Sa isang interview nga kay Bossing Vic ay nasabi na hangad niyang makabalik ng trabaho si Wally.
“For me personally, okey lang naman but he has to apologize. I think people will understand. Alam ko naman mapagpatawad ang Pilipino,” say ni Vic.
Ang tanong naman ng masa, paano na ang naka-sex video ni Wally? ‘Di ba dapat din bigyan ng ikalawang pagkakataon ito dahil tulad ni Wally ay nangangailangan din ito ng trabaho.
PANAWAGAN SA management ng SM Cinema dahil sa sobrang dami ng mga nanonood sa iba’t ibang branch ng sinehan, tila nagkukulang naman yata sila na panatilihing malinis at mabango ang mga sinehan lalo ang mga upuan ng bawat sinehan. Kailangang mag-spray na sila ng panlaban sa lamok dahil lahat na yata ng sinehan nila ay may lamok lalo na sa branch nila sa Baguio na wala na ngang air-con na understandable naman dahil sobrang lamig na sa naturang lugar, pero dapat naman sanang mag-spray ng panlaban sa mga maliliit na hayop pagkatapos ng screening.
Luma at mayroon na ring sirang mga upuan ay may lamok pa sa SM Cinema Baguio. Hindi na rin maganda ang amoy sa loob ng sinehan.
Anyway, sa Baguio, apat na official movie entry lang sa MMFF ang palabas sa mga sinehan: My Little Bossing, Boy, Girl, Bakla, Tomboy, Pagpag at 10,000 Hours.
Marami kaming naririnig na taga-Baguio gustong panoorin ang Boy Golden, pero wala kahit isa man lang sa mga sinehan sa nasabing branch. Baka hindi nakapagpadala ng kopya ng movie ang Boy Golden sa Baguio?
Or kung hindi kami nagkakamali, hindi naging mapalad ang movie na mabunot na ilalabas sa SM Cinema sa Baguio?
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo