THERE’S no other way but to GO UP for SB19!
Hindi maikakaila na habang tumatagal ay lalong bumobongga ang karera ng Pinoy boyband na ‘SB19’. With their chart-topping hits like ‘Go Up’ and ‘Alab’ ay lalo nilang nakukuha ang puso hindi lang ng mga kababayan natin kundi maging ang ilang international fans na hindi mapigilang mapasayaw kapag naririnig ang mga awitin ng grupo.
Usong-uso ngayon ang mga K-pop bands tulad ng BTS, TXT at marami pang iba, kaya naman nakakagaan din ng loob na kahit papaano ay may mga homegrown Pinoy bands na rin tayo nalumalaban sa pag-awit at pag-indak.
Trending ng ilang araw na ang nakakaaliw na performance ng SB19 para sa PhilKor Festival 2020 na ginanap noong October 31. Ito ang month-long celebration ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Korea at sino ba naman ang pinaka-fit na maghandong ng bonggang performance kundi ang SB19, na nakapagtrain din sa South Korea bago sila nag-debut?
Ipinasilip ng grupo ang National Museum of Natural History at ang iconic Rizal Park o Luneta Park. Sumayaw ang grupo wearing modernized traditiona Pinoy clothes na nakakamangha ang pagkagawa. Bigla tuloy namin naalala ang BTS tuwing itinatanghal nila ang kanilang 2018 hit na IDOL, kung saan proudly ay sinusuot nila ang modernized hanboks nila to show their pride bilang mga Koreano. Nakakakatuwa na SB19 just did the same thing!
Dahil energetic at promising ang grupong ito, maganda rin siguro kung i-expend na nila ang ganitong konsepto at gumawa rin sila ng kanta na may halong inspiration of Pinoy musical instruments, ‘di ba?
Panoorin ang energetic at nakakaaliw na performance ng SB19 ng Alab at Go Up!
Kung curious kayo sa behind-the-scenes ng performance na ito, watch their latest vlog below!
Magkakaroon ng online concert ang SB19 sa darating na November 21 sa pamamagitan ng Gobal Live. Bili na ng tiket sa halagang AUD $ 14 (excluding fees).