SI QUEENIE SMITH, 33, panganay na anak na babae ng Filipino rock icon na si Pepe Smith ang ating nakapanayam. Ninong nito si Mike Hanopol at ninang din niya si Sampaguita at iba pang mga sikat na mga rockers ng 70’s. Wow! Sikat ha?! Well, basahin na lang natin ang mga usapan namin na medyo may pagka-weird.
Ano ang pagkakilala mo kay Pepe Smith as your father? “Ah, ang pagkakakilala ko sa tatay ko, isa siyang loving, very generous na tao at napakabait. Matulungin siya at masayahin. No dull moments with my dad.”
Ah, idol nga niya. Sino ka bi-lang anak ni Pepe? “Ah, siyempre po, natutuwa ako. May mga advantages at mga disadvantages being a daughter. Ang advantage po noon eh, siyempre nakikilala ka ng tao. Madali ka nang makapasok sa music scene. Pero kasi ako ah… ang mas prinayoritize ko eh, ‘yung pagkanta abroad kesa gumawa ng album dito at ma-kilala. Parang ginawa kong training ground. Tapos ang disadvantage naman eh, siyempre bilang rocker ka, rakista, ang iniisip nila eh, wala, adik ‘yan. So medyo napaka-negative sa ‘yo ‘yung ganu’ng perception about him. At du’n sila mali, kasi past na si Papa. Graduate na siya sa ganu’ng era. Siyempre 70’s is about sex, drug and rock en roll ‘di ba? At siyempre meron pa nu’ng Marijuana, ‘di ba? Hindi pa Shabu. Ang Shabu pa noon, gawgaw. Hahaha! At saka pampatigas lang ng damit. At saka hinahaluan lang ng… Tawas! Yeah! Siyempre, ‘di ba? At as ‘he gets older’ (Pepe Smith) nagbabago rin ‘yan. Saka mahirap maging tatay, ah.”
Well, nun’g kapanahunan ng daddy mo, medyo bata-bata pa siya maraming chicks na humahanga sa kanya. May natatandaan ka rin bang kunwari eh, na-involve sa kanya?
“Ang mga natatandaan ko lang na na-involve sa kanya eh ‘yung nasa Vietnam. Kasi ang natatandaan ko sa panahon nila ng 60s, 70s… sila yung nag-umpisa na bumibiyahe na banda. So ang mga napuntahan ni Papa eh, Vietnam, Japan, mga ganyan. Ah ‘yung bata pa ako, tinatabi kasi ng lola naming ‘yung mga love letter ni Papa. So ‘yun ‘yung nababasa ko, mga love letter niya sa mga nakikilala n’ya sa iba’t ibang countries. Ah, meron din akong narinig na naging girlfriend niya na model nu’ng nasa Japan siya. ‘Yung mga ‘yun ay parang ‘yung iba, wala na akong alam du’n. Ang alam ko sila Tita Agnes, ganyan. Although I never get to meet them. ‘Yun lang.”
Ito naman ang mga tinutugtog ng papsi nya, “Ah usually, ang mga tinutugtog n’yan eh Rolling Stones, Jumping Jack Flash, mga Chuck Berry. ‘Yung mga OPM nya eh’ ‘yung ‘Teachers Enemy’, ‘Mga Himig Natin’, ‘Sa ‘Yo’, ‘Summer Wings’. Marami, ‘yung ‘Nadapa sa Harina’. Mga rock en roll nila, ‘yung ‘Sa Ulan’.”
Kumusta naman ang lovelife mo? “Ang lovelife ko po eh, napakaganda. Charing! Meron po akong partner na nasa GenSan.”
Hindi naman kamag-anak ni Pacquiao? “Hindi naman po. At saka meron din akong baby na lalaki. Kapapanganak ko lang.”
Kapag malayo ka sa asawa mo, sa GenSan, ano ang niyayakap mo? “Unan!”
Pinapanga-lanan mo rin ‘yung unan? “Opo, Peter! Hihihi!”
Tina-nong ko ang mommy niya. “Si mommy naman po hindi nakatira sa amin, eh. Kasi nga po ang set-up namin, iba-iba ‘yung nanay namin. Si Tanya iba mommy niya, si Beebop iba mommy niya. Ako iba ang mommy ko.”
Wow, huh! Parang pang-international ‘yung dating. Hahaha! “Oo, ganyan. Sa bahay po namin, kami lang apat ang magkakasama – si Papa, si Tanya, ako, at si Beebop.”
Ano ang mensahe mo sa Papa mo? “Ah, papa ‘yung allowance ko. At saka ‘wag mong kakalimutan papa ah, shopping tayo. Love na love kita. Hahahehi!”
Kung sakaling dumating ang araw, ano ang gusto mong pamana ng dad mo sa ‘yo? “ATM!”
Ah, maganda ‘yan! Apir tayo d’yan, pak!
Pero ganu’n na lang ang pagiging caring nila sa kanyang amang. Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia