SA MATAGAL NAoras kong paghihintay, masuwerteng napaunlakan tayo ng tinaguriang Wellness Guru at hindi kumukupas na Forever Young Cory Quirino kahit hectic ang schedule niya bilang Chairman and CEO ng Miss World Philippines. Socorro Quirino, isang socialite, taga-Ayala Alabang at apo ng late Pres. Elpidio Quirino.
Paano kaya siya napili bilang licensee at CEO ng Miss World Philippines? “’Yung franchise ng Miss World sa Pilipinas ay hindi na na-renew ng Miss World sa Binibining Pilipinas. In other words, they are looking for a new licensee. At that time, that they were talking to me, vacant ang position ng licensee for the Philippines. Tumawag si Julia Morley (may-ari ng Miss World) at nag-utos kay Paul Lee na pumunta ng Pilipinas. At iisa lang daw ang hinahanap nilang tao. Sabi ni Julia, ‘then look for her’. So, Paul did not have to fly to Manila kasi nakita niya na ako sa Kuala Lumpur sa isang dinner. So it’s what you called serendipity, ‘di ba? Synchronicity. Ang sabi ko sa kanya (Paul), malinis ba ang separation ninyo sa Bb. Pilipinas? Sabi niya ‘Oo maayos naman, maayos. Kaya lang, naintindihan naman ni Stella Araneta na kailangan namin ng bagong licensee.’ I said okey, sabi ko puwede ko ba itong pag-isipan? How much time will you give me? And this is a very classic answer na ibinigay sa akin ni Paul… 5 minutes! Hahahah! So, siyempre, mataas ang tiwala ng Miss World. Eh, ‘di nagpikit ako ng mata, tapos nagdasal ako! I said, I’m the new licensee for Ms. World, can I rely on your support? Sabi nila, ‘of course’.”
At nakuha nga ni Cory ang titulo bilang Pageant Director ng Miss World Philippines sa tulong na rin ng kanyang mga kaibigan sa industriya, business at media. Wow! This is Cory’s biggest opportunity and new adventure. Sabi ko sa kanya, I see her to become an international icon. Amazingly shocked, sagot niya, “Wow! My goodness.”
Oo, nakikita ko, mami-meet niya ang mga kilalang tao sa iba’t ibang bansa at talagang makakadaupang-palad at makakasama niya ang mga sikat na celebrities even sa Hollywood. Cory, ‘wag ka lang bibitaw. “Oh, sige, I will remember this day, itong araw na ito. Tatandaan ko talaga ‘yang sinabi mo.”
Well, ano pa ba ang future plans at mission and vision mo? “Na makuha ang korona para sa Pilipinas! That’s my short-term goal. Short term, take note. It has to happen soon. Actually, suwerte rin ‘yun at saka by the grace of God. Hindi naman ako Diyos at saka mataas ang aking pangarap na naririnig ng Diyos sa mga dasal ko. I want to host the future Miss World Finals, of the world event. Gusto kong manalo sa bid. That’s 120 countries. ‘Wag nating kalilimutang ang Miss World ay ang kauna-unahang pageant na itinatag sa buong mundo ahead of Miss Universe. It’s also the biggest pageant in the world. Miss Universe is 89 countries, Ms. World is 120. Kaya mas matindi ang laban.”
Ano ang paningin sa ‘yo ni Ms. Araneta ngayon? “’Di ko alam.” Sa ngayon, isang linggo na lamang bago tumulak papuntang London si Cory para mag-prepare at mag-observe ng Miss World.
Katuparan kaya ito nang makita ko sa aking pangitain o panaginip 20 years ago na naitatak ang Pilipinas sa mapa ng daigdig. Posible, dahil si Manny Pacquiao, world boxing champion, pati na sina Nonito Donaire, Jr. at Ana Julaton. Sinabi naman sa akin ni Charice Pempengco during interview na parang lahat ng pangarap niya ay nagkakatotoo at parang may nagpapakilos sa kanya. Ang Philippine Volcanoes National Rugby Team ay nagsabi kamakailan na nais nilang maitatak sa mundo ang bansang Pilipinas. Ang Dragon Boat Team na nag-uwi ng mga gintong medalya, Lea Salonga ng Miss Saigon at iba’t iba pang larangan na nagdala ng karangalan sa ating bansa.
I think, it’s time to build and rehabilitate our nation. But, it can only happen in the help of God. Kahit na tayo ay lubog sa tubig ng maraming pagsubok, marahil, dito mahahasa ang ating tibay at tatag upang umunlad ang ating bansa.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
By Maestro Orobia
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia