TULUYAN NA NGANG nag-goodbye sa ere ang fantaseryeng Grazilda ng GMA-7. Pagkatapos gumanap ng sandamakmak na kontrabida roles, tuluyan na ngang inilunsad bilang bida si Glaiza de Castro. Matagal na rin sa Kapuso network si Glaiza at napakita na rin nito ang kanyang versatility sa ilang projects na nagawa niya. Masasabi na sa wakas ay nagbunga rin ang kanyang pagtitiyaga at paghihintay.
Isang malaking sugal para sa Kapuso network ang Grazilda. Kahit pa nagbida na si Glaiza noon sa afternoon series na Kaputol ng Isang Awit, iba pa rin kung sa primetime slot ka inilagay. Ito rin ang unang tambalan nila ni Geoff Eigenmann, na mas identified sa isa pang Kapuso princess na si Carla Abellana. Ang fantaserye rin ay magastos dahil sa magagarbong costume at shooting location. Masasabing ‘made’ na nga ang dalaga sa larangan ng telebisyon dahil hindi rin naman nagpatalo sa ratings ang nasabing programa.
Sa totoo lang, naaliw kami sa mga unang linggo ng Grazilda. Isang magandang ideya na gawan ng kuwento ang isa sa mga stepsisters ni Cinde-rella. Bida-kontrabida rin ang dating ni Grazilda rito at nakaaaliw rin ang mala-makata nilang pananalita sa Fantasia. Hindi lang namin mawari kung bakit bigla-bigla na lang ay tumamlay ang istorya nito. Biglang naging warrior si Grazilda at ang kanyang naging ‘knight in shi-ning armor’ ay isang makisig ngunit hirap mag-Tagalog na prinsipe. Alam naming nag-e-exert naman talaga ng effort ang Brapanese hunk na si Daniel Matsunaga sa kanyang acting assignments, pero mas napaganda sana ito kung ibang aktor na lang ang kinuha.
Sa pagwawakas ng Grazilda, siguradong hindi na tatanggap ng kontrabida roles si Glaiza. Bakit pa nga naman, ‘di ba? Ayon sa aming impormante, magkakaroon na ito ng launching movie under Regal Films na remake ng pelikulang Aswang. Hindi pa namin alam kung sino ang makakatambal niya rito, pero may potensiyal ding maging horror princess ang dalaga dahil kinakarir nito ang mga gulat scenes. Napansin n’yo ba iyon? Meron din itong pelikulang nagawa na ang titulo ay Rakenrol kasama si Jason Abalos, pero wala pa ring balita kung kailan ito lalabas.
For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at [email protected] and visit Pinoy Fans Club.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club