WHATTA MYX MO! 2010 QUAKE IN A CONCERT

Grabeh na to-its! Loud ROCK-RAKAN Night kasama ang mga ka-gigs at kapuyaters. Mahigit 40,000 ang crowd ng 10th Year Anniversary ng MYX MO! na ginanap sa SM Mall of Asia noong November 18, 2010. I saw VJ Robin Nievera wearing red ‘I love MYX’ shirt and walking around VIP concert area sa SM Mall of Asia. Afterwards, sinamahan ako ni Kathy Solis sa tent. Presto! Binigyan ako ng press kit, nakalagay sa plastic with Maestro’s name on it. May kasama itong shirt at ‘green band’ para maka-access sa lahat ng lugar sa concert grounds. Maya-maya, nakisuot na rin ako ng MYX shirt katulad ng ilang performers.

Pasiklaban ng iba’t ibang genre ng mga band artist: Eurasia, Letter Day Story, Eeve, Kiss Jane, Archipelago, General Luna, Even, Sino Sikat, Chicosci, Kjwan, Sponge Cola, Callalily, Imago, Rivermaya, Sandwich at marami pang iba. Naroon din sina Gloc9, Sam Milby, Christian Bautista, Yeng Constantino, Richard Poon, Nina, Carol Banawa, Noel Cabangon, Kitchie Nadal at Barbie Almalbis, kasama pa ang acoustic singers Nyoy Volante at Jimmy Bondoc.

Naka-chitchat naman natin ang mga Mister Suave na Parokya ni Edgar at nakarinig pa ako ng voice hint kay Jed Madela. Present din doon ang GMA artists na La Divas: Maricris Garcia, Jonalyn Viray at Aicelle Santos; Moymoy Palaboy, JayR & Kyla at Ogie Alcasid para i-express ang kanilang support sa MYX. Dala ng MYX MO! 2010 ang katagang “I HEART MYX”.

Nakiisa rin sa isang dekadang pagdiriwang ang MYX audience na bumili ng mga I HEART MYX shirts para makapasok sa gold at silver section at ang bumili ng special collector’s issue ng MYX magazine para sa bronze section.

“MYX MO! is our way of thanking our viewers for supporting us and for making MYX the No. 1 Music Channel in the Philippines,” ani  Andre Alvarez, MYX Channel Head.

SHORT CHIT- CHAT

Wow! Ang body built mo ngayon Robin, fit sa ‘yo. Nag-workout ka? Robin said “Yes.”

I like your hair!

Robin: I color it red, I had mojaves. I don’t know if it’s vain when I’m wearin’ it, but I like it well. It’s not with my image but I like doin’ my hair.  Mahirap ba iyong gumagaya kayo malayo sa tunay ninyong boses?

Moymoy Palaboy: Siguro ‘yung pagda-dub, kasi kahit anong taas ng boses kaya naman naming gawin.

Yeng Constantino: ’Yung bahay ko tapos na by February at ‘yung bahay ng mom ko, so, sobrang happy ako. ‘Yung brother ko nakatapos na ng Nursing. Ako, gusto ko mang mag-aral, mahihirapan ako sa scheduling. Natapos na ako ng high school pero ‘di pa ako nagka-college.

Kumusta na iyong sa inyo ni Nyoy?

Nina: Kinukumusta pa ba ‘yun? Meron nang 4 counts of murder… hehehe! It’s 4-counts of estafa ang merit. So panalo na. Ah, ‘eto sinasagot ko na, ang balita sa amin eh, masamang balita.

Princess Velasco: Dati kasi bago ako kumanta, nagturo ako sa La Salle ng Marketing. Since hilig ko talaga ang pagkanta, sinubukan ko itong maging career. Sana mag-work, kung hindi, ok lang.

Rocksteddy: Bata pa kami, wala pang anime na term, ‘yung Daimos, Ghostfighter, Batibot malulupit ‘yang mga ‘yan! Maliliit pa lang kami, paborito na namin si Pong Pagong. Guys, if you want to form a band, be sure you have your instruments, kasi kapag wala you can’t form a band.

JayR: Siyempre very honored. Music talaga unites different people, different networks.

Bakit ngayon may buhok ka na?

JayR: Ah, ngayon pinapawisan na ako kasi may buhok na!

Seloso ka rin ba?

JayR: ‘Di naman. Depende sa situation.

Sabay sulyap sa girlfriend na si Bb. Pilipinas International Krista Kleiner.

Ito ang mga Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments, suggestions, sponsors; call tel. no. (02) 3829838; e-mail: [email protected], [email protected], visit www.pinoyparazzi.net


Previous articleMagka-amnesia kaya?
Next articleSurvivors Ready?!

No posts to display