IKINALOKA namin ang pelikulang ‘Alter Me’ sa Netflix na pinagbibidahan nina Enchong Dee at Jasmine Curtis-Smith. Bakit? Opening scene pa lang ay tinodo na ni Enchong ang pagpapakita ng laman!
How daring? Hindi lang ito basta topless – nagpakita rin ito ng kanyang ‘behind’ at pati ang frontal ay whipped cream lang ang pinangtapal niya habang pinapasaya ang isang matrona by the jacuzzi sa isang motel. Kaloka lang, ‘diba?
Kahit na kilala bilang isa sa ‘hunks’ ng showbiz si Enchong, maituturing pa rin na ‘wholesome’ ang image nito dahil for the longest time ay ‘playing safe’ ito sa pagpili ng kanyang roles sa TV at pelikula. In the past few years ay naging open na ito sa more challenging roles at masasabi namin na itong ‘Alter Me’ na siguro ang pinakadaring project ng aktor.
Maliban sa pagpapakita ng halos lahat ng puwedeng makita ng mga fans na nagpapantasya sa kanya, may pumping scene din ito with a girl in a mask at hindi rin naman nagpatalo ang kanyang leading lady na si Jasmine Curtis-Smith na mukhang susundan na ang yapak ng kanyang Ate Anne sa paggawa ng mga sexy romance films.
Isang bagong konsepto para sa mga moviegoers ang ‘Alter Me’. Kahit na sabihin na public na ang mga social media sites tulad ng Twitter at Facebook, may mga ‘hidden’ profiles pa rin pala na ine-explore ang ibang tao na gustong mag-release ng kanilang inner thoughts at pakawalan ang mga inhibitions sa paggawa ng ‘alter’ o ‘alternative’ account kung saan mas nailalabas nila ang kanilang pantasya without the judgement of people from the real world. Dahil sa pelikulang ito ay napatsek tuloy kami sa Twitter and yes, the ‘alter world’ exists – at nakakagulat ang dami ng mga taong involved sa ganitong klaseng kalakaran.
Sa mundo na mahirap magmahal ng wagas sa isang tao dahil ikaw ay masasaktan lang, hindi ba’t mukhang magandang alternatibo ang ‘alter’ world?
Kung crush niyo si Enchong simula noong ito’y teen star pa lamang hanggang sa kasalukuyan, this film surely shock you. Ihanda na ang tisyu hindi lang dahil sa ‘release’ kundi dahil na rin sa luha na mailuluha sa ending ng pelikula.
Curious ka na ba? Panoorin ang trailer ng ‘Alter Me’ na mapapanood lang exclusively sa Netflix.