Filipino comedian Beethoven del Valle Bunagan, popularly known as Michael V. Siya lang naman ang pangalawang Pilipino, kasunod ni Cory Aquino, na nasa cover ng 5th Annual Humor Special ng Reader’s Digest noong nakaraang Setyembre.
Awww, grabeh huh! What would you like to share about your artistry? “Well, nag-umpisa kasi ako as a rapper, pero hindi naman talaga totoong hardcore na rapper, kung tutuusin parang gumaya nga lang ako kay Andrew E eh. So ang idolo ko talaga ay si Francis M., pero when you say artistry, it doesn’t end du’n sa pagiging rapper ni Francis eh, kasi kaya kami naging close dahil du’n sa different form of art which is drawing kasi napakagaling niyan, eh.”
I said to Michael V na ang una kong nakilalang mahusay na komikero ay si Dolphy. Ang sabi ko, sa tingin ko, eh, siya ang kasunod ni Comedy King. Bilib talaga ako kay Michael V., at ayon pa sa kanya dahil sa kanyang mga karanasan sa buhay kaya naging mahusay siyang actor. Si Yaya ni Angelina na sinasabihang “you’re such a loser yaya.”
Isang comedian, actor, director, composer, singer, rapper at parodist, idagdag na natin ang bansag na Master of Disguise. Whoah… sinalo na niya yata ang lahat ng grasya ah. Bagama’t nu’ng una, eh, nababakyaan ako dito kay Michael V nu’ng napapanood ko pa siya sa mga films. Dahil hindi weekly ang labas ng pelikula, mas naipakita ni Master of Disguise ang tunay niyang kagalingan. Tulad na lang ng mga palabas niya noong siya’y si Bitoy, Itoy at si Bebang at ‘wag kalilimutan si Junee Lee. Grabeh, ‘yung latest, si Bonggang-bonggang Bong Bong. Bilang isang impersonator, tatawa ka talaga.
Pero sa totong buhay, mukhang seryosong tao siya at may pagka-low-profile. Siya na kaya’ng kasunod ni Comedy King Dolphy? But I raise my 3 thumbs up to this great Filipino comedian of the 21st century, Michael V. Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
By Master Orobia