HINDI MAGKANDAUGAGA ang palakpakan at sigawan sa studio ng Wil Time Bigtime noong Sabado ng gabi, January 5, 2013. Ito ang huling araw ng show sa ere pero energetic at sobrang masaya ang mood sa studio.
Matatandaang inanunsiyo ni Willie Revillame noong nakaraang Disyembre na hanggang unang linggo na lang ng Enero ang kanilang show dahil lilipat na nga sila sa bagong timeslot at bago na rin ang pangalan nito.
Aalis na rin sila sa TV5 Novaliches Studio at lilipat na sa kasalukuyang nire-renovate na TV5 Delta Studio.
After kantahin ang kanyang hit songs, nangako si Willie na lahat ng mga tao sa studio na walang uuwing luhaan. Matapos nito ay ipinamigay naman niya ang lahat ng giveaways na bigay ng kanilang sponsors.
Pasalamat ni Willie, “Salamat sa inyong lahat na nagmamahal sa a-ming programa, thank you so much. Itong last day natin, simula palang ito ng bagong programa. Magpapaalam ang Wil Time Bigtime, pero magbubukas ang bagong programa na mas masaya at mas bibigyan kayo ng tunay na pagmamahal.”
Hindi naman magkamayaw ang sigawan ng mga tao sa studio. Ma-tapos ang mainit na palakpakan, ipinakita naman ni Willie ang bagong logo ng nakatakdang magbubukas na show na Wowowillie. “Ipapakita ko lang sa inyo ang bagong programa na magbubukas sa January 26, 11:30 am.”
Sa pag-roll ng VTR, ang tunog ng bago nitong themesong ay katunog ng dating show naman nitong Willing-Willie. Kulay dilaw ang ‘Wowo’ samantalang kulay pula naman ang ‘Willie’ na bumubuo sa titulong Wowowillie. “‘Yan po ang bagong title ng ating programa na magsisimula na sa January 26, 11:30am, dito po sa TV5, diyan na po tayo sa Delta Theater. So January 26, ito pong araw na ito ay aking asalto, bago ako magkaarawan dahil ang birthday ko ay January 27. So, sa lahat po ng pupunta du’n, ako ang magreregalo sa inyo. Luzon, Visayas, Mindanao, kapiling namin kayo, live feed po tayo roon. May mga host kaming ipapadala roon, sana ang mananalo ng 1 million sa studio ng Wowowillie ay mananalo rin sa Visayas at Mindanao. ‘Yan po ang gusto namin sa aking kaarawan, ako ang magreregalo.”
Tatakbo ng tatlong oras ang show araw araw, mula 11:30am hanggang 2:30pm.
NAGTAPOS NA rin sa ere ang eco-fantasyang Enchanted Garden ng TV5 last Friday, January 4. Ngunit, nagtapos man, may pahabol naman na blessing para sa mga namumuno at sa mismong casts ng show dahil last December 27, 2012 ay ginawaran ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Gawad Muyong award ang naturang soap.
Ang Gawad Muyong ay isang pagkilala sa mga tao at organisasyong tumutulong at nagpapalaganap ng kampanya laban sa illegal loggers at miners sa buong Pilipinas. Ang salitang ‘Muyong’ ay tumutukoy sa reforested area sa Banaue Rice Terraces na isang protected area ng DENR. Pinamahalaan ng Anti-Illigal Logging Task Force ng gobyerno ang nasabing parangal sa pamumuno ni Gen. Renato Miranda at ni DENR Secretary Ramon Jesus Paje.
Dumalo sa awarding ang Entertainment Head ng TV5 na si Perci Intalan, ang isa sa mga director ng show na si Direk Joel Lamangan, casts na sina Beverly Salviejo, Jazz Ocampo at Alex Gonzaga.
Masayang kuwento ni Alex, “Actually congratulations sa lahat ng mga bumubuo ng Enchanted Garden, sa TV5 at sa lahat ng ating mga Ka-patid. Siyempre natutuwa kami dahil ibig sabihin nito ay sinusuportahan tayo ng ating mga kapatid, kaya nagpapasalamat po kami sa lahat ng mga susmusuporta sa show at nagpapasalamat tayong lahat sa DENR sa parangal na ito, kina Gen. Miranda, and sa ating DENR Secretary Atty. Paje, maraming maraming salamat sa inyong lahat.”
Natatawa naman si Alex, dahil sa buong citations sa plaque na kani-lang natanggap ay nabanggit ang kanyang pangalan dito. Pabiro nitong komento, “Sapagkat mahusay ang pagganap ni Alex Gonzaga… ako po ay talagang tumataba ang puso at masarap pong basahin ang isang pa-ngalan sa isang recognition na galing sa gobyerno.”
Ayon naman kay Perci Intalan, “Nakakatuwa, nakaka-proud, napakaliit nu’ng contribution natin kumpara du’n sa ibang nakatanggap ng award, kaya parang naiisip ko na mas marami pa tayong magagawa para sa kalikasan.”
Pangako pa nito na kahit sa mga maliliit na bagay ay patuloy na susuporta ang istasyon para magkaroon ng awareness sa pangangalaga sa kalikasan ang ating mga kababayan. “Sa mga malilit na bagay, sa mga dramang may tema tungkol sa kalikasan para maging aware ang ating mga manonood. May mga gagawin din tayong activities, mga tree planting, so asahan natin na this coming year gagawa tayo ng mga proyekto para sa kalikasan.”
Lahad naman ni Direk Joel Lamangan, “Congratulations and thank you sa TV5. Napakaganda nga eh. Kasi yan ay nagpapakita at kinikilala ng DENR ang kahalagahan ng ginawa natin sa eco-fanstasya na kumikilala sa pagpapahalaga sa kalikasan.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato