ANG REGAL Entertainment ang newest major film outfit sa Pinas na nakipagpartner sa international video streaming site na Netflix. Sa katunayan, ang ilan sa mga underrated films nila in the recent years ang aprub at mapapanood na ng international market beginning September 1.
Ang pelikulang ‘Wild and Free’ nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio ang isa sa sexiest films of 2018. Sadly, hindi ito pumatok sa box-office nang ipalabas sa Pilipinas. Feeling namin ay sa Netflix nito mahahanap ang kanyang intended audience katulad nang nangyari sa ‘Maria’ ni Cristine Reyes, na umani ng bonggang reviews some months ago.
Mapangahas si Sanya Lopez sa kanyang launching movie. We were not really sure if going that far was good for her career back then, pero sa nakikita namin ngayon ay hindi siya pinapabayaan ng GMA-7. We just hope na she’ll be given a better project next time.
Apart from ‘Wild and Free’, pasok din sa Netflix ang sexy-drama na ‘The Escort’ starring Lovi Poe and Derek Ramsay, na naging controversial hit movie three years ago. Ang ‘Love is Blind’ naman nina Kiray, Solenn Heussaff and Derek, na considered na surprise hit when it came out.
Other films in the catalogue include the award-winning ‘Die Beautiful’, family drama ‘Mama’s Girl’ at mga pelikulang pinagbidahan ni Janella Salvador na ‘Haunted Mansion’, ‘My Fairy Tail Love Story’ at ‘So Connected’, na isa sa paborito naming pelikula na lumabas last year.